Dahil sa lumalalang kalagayang seguridad ng bansa, ibabalik na naman ng gubyerno ni Ate Glo ang kinamuhiang citizen armed militia. Nabubuang na talaga ang mga nasa Malakanyang, hindi na nag-iisip, PRANING na't wala na sa hulug.
Nuong panahon ni Magsaysay hanggang kay Marcos, Barrio Self-Defense Unit (BSDU) ang ginamit. Dahil sa mabantot at unpopular sa mamamayan, binago ang pangalan at ginawang Civilian Home Defense Unit (CHDF) nuong kasagsagan ng insureksyon nuong panahon ni Marcos. Ang tanong, nasugpo ba ang rebelyon at insureksyon?
Civilian Armed Forces Geographical Units (CAFGUs) naman sa panahon ni Tita Cory at Ate Glo . Ang tanong ule, nabura ba sa mapa ang rebelyon at insureksyon? Mas lumawak pa nga ang saklaw, nakisangkot na rin pati mga junior officers.
Sa panahon ni Ate Glo, mula sa CAFGU, Civilian Volunteer Organization (CVO) ang kanyang naging bagong pangalan. Karamihan sa bumuo nito kung 'di man mga goons, mga lumpen, adik, mga bumaligtad na rebelde at police character sa kumunidad. Marami rin sa kanila ay nasa mababang saray ng ating lipunan, kung 'di man magsasaka, manggaggawang bukid, istambay o mga walang permanenteng trabaho-un-employed.
Wala nang kadala-dala, hindi na natuto at imbis paabante tayo, mukhang papaatras ang direksyon tinatahak natin. Balikan at matuto sa kasaysayan. Gusto pang ibalik ni Ate Glo ang dati ng iwinaksing fertilizer, pabrika, pinagbubuhatan ng lamok na insureksyon ang armed milisya. Ayon sa mga nagsuri't nagsuma-tutal, nagmistulng “MONSTER-Frankestien” ang mga inarmasang milisyang ito. Kinastigo ito hindi lamang ng mamamayang Pilipino kundi maging ang Pandaigdigang public opinion na kumakatawan at nagsusulong ng Karapatang Pan-tao.
May time frame si Ate Glo at AFP na, bago matapos ang termino sa 2010, "burado na sa mapa ang CPP-NPA, MILF at lahat ng insurektos sa bansa." Sa kautusang Executive Order 465, muling pakikilusin ang mga goons, ang mga militia bilang mga police auxiliar yunit bilang pambala sa kanyon, pantapat at panagupa sa lumalala raw na banta ng terorismo sa bansa lalo na sa Mindanao. Mahigit siyam na libong (9,000) CVO ang binabalak recruitin at pakilusin ng AFP. Sa kasalukuyang may mahigit 53,000 ang bilang ng CAFGU na sumasahod ng below the minimum wage ng P60.00 kada araw. (maliit na nga, nakangkong pa ang kalahati?)
Walang problema sana sa itatayong CVO kung gagamitin ito upang USIGIN, sawatain, durugin ang WETENG. Pwede rin gamitin ang mga para-military na ito upang sugpuin ang Illegal Logging, Dynamite fishing at paglaganap ng DROGA. Pero, kung gagamitin ang mga ito upang sikilin, supilin ang karapatang pantao ng mamamayan at gamitin ito upang pag-away-awayin tayong mga Pilipino, siguradong SABLAY.
Bukud sa marami na namang kikita ditong pulitiko, ang mga armadong milisya ay walang dudang gagamiting private armies ng mga lokal na trapitong bayan, casique at mga lokal na warlord. Upang matiyak ang panalo ng mga galamay ni Ate Glo sa Tongreso at ULAP-LGUs, hindi malayong paghinalaang gagamitin sa 2007 local election ang CVO.
Kaya lang, sa anyo ng operasyong pagdidis-arma ng mga insurektos, sa kahuli-hulihang labanan, ang CVO ang siya pa mismong magiging supplier ng armas at bala sa MILF, NPA, iba pang armadong grupo sa bansa.
Doy Cinco / IPD
Oct 16, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment