Sa isang pagtitipon at oryentasyon kamakailan, binigyan ng mga buguk, tuso at pusakal na pulitiko ang mga bagitong halal sa Kongreso kung paano maki-ayon sa kabulukan, maging oportunista't magsirko, paano mangurakot, mangotong at mamulitika. (Photo mula: www.deanesmay.com/
Ang hindi itinuro ng apat na pulitikong si Sec Andaya (ex Congressman 1st District Cam Sur), Speaker Joe de Venecia (Pangasinan), Neptali Gonzales (ex mayor at Congressman ng Mandaluyong) at Boying Remulla (Cavite) ay ang tunay na kalunus-lunos na larawan ng Kongreso (institusyon) sa Pilipinas. Na ang mga bagitong “halal” sa Kongreso ay lalamunin lamang ng katiwalian at kabulukan ng sistemang pulitika. Na ang kasaysayan ang siyang maghuhusga na sila pala'y sagka sa kaunlaran at kabalintunaan sa tinatawag na "representative democracy."
Mali ang oryentasyong ibinahagi ng apat na pulitiko. Hindi lamang sinusugan, kinunsinti, mas lalong pinatingkad pa nito ang palasak na gawaing (infra oriented projects) Executive, trabaho ng isang Mayor at Gobernador at hindi ang maging "watchdog, oversight" at gumawa ng kaika-ikayang batas tulad ng pagsasareporma ng kabulukan ng pulitika at halalan, bilang pangunahing trabaho sa LEHISLATURA.
Ang hindi nila alam at mukhang sila na lamang ang hindi nakakaalam, na sila'y (Kongreso) pinakabuluk, pinaka-heavily criticized political institution sa bansa. ”Political clan at dinastiya't oligarkiya ang halos mayorya ng bumubuo sa Kongreso." Nailukluk at nahalal dahil sa “makinarya't command votes, dahil sa pamimili ng boto sa maralita at pakyawang pamimili ng boto sa mga operador ng Comelec, dahil sa pananakot-private army at higit sa lahat nahalal dahil sa padri-padrino, utang na loob at KBL (kasal binyag at libing).''
(photo mula sa; www.op.gov.ph)
Nawalan na ng pagtitiwala't kredibilidad ang Kongreso. Ang katatapos na orientation ay lalong naglinaw at nagpatibay ng paniniwala kung gaano kawalang-silbi ang institusyon ng Kongreso sa tao. Hindi lamang isang larawan ng pangongotong at pangungurakot, nasa estado ng paralisis at kainutilan ang Kongreso.
Ang Kongreso ang pinakamagastos at pinaka-unproductive na institusyon sa kabuuang sistemang pulitikal ng bansa. Noong 12th Congress (2001 – 2004), sa 2,450 bill (batas) na nai-filed, 30 lamang naipasa bilang batas. Gumastos ang bansa ng P1,000,000.00 kada buwan sa bawat isang Senador at P500,000.00 sa kada buwan at sa bawat isang Kongresman.
Para kay Mang Pandoy, ang Kongreso ay isang instrumento ng pampulitikang manipulasyong ng Pilipino Elite. Sila ang kumakatawan sa naghaharing elite, anti-poor at anti-reform na political leader ng bansa. Dahil Bad politicians ang 90% bumubuo ng Kongreso, bad political system, bad economic development ang kanyang ibinunga. Nagdulot ito ng gahiganteng karalitaan at undemocratic na kalakaran sa lipunang Pilipino, nagbunga ng malubhang karandamang cancer o krisis pulitikal at ekonomya na kung ating ikukumpara ay mas malala pa sa trahedyang kinahinatnan ng mga Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WW II).
Kailan kaya mabibigyan ng tamang orientation ang kabuuang institusyong Kongreso? Kailan kaya marere-organisa ang institution? Kailan mare-reconfigure ang sistemang politikal at electoral sa Pilipinas? Kailan magkakaroon ng isang klase ng kulturang may INTEGRIDAD, Transparency, may pananagutan at tumutugon sa tawag ng panahon ang ating Kongreso?
Isang Kongreso na kung saan ang mga KINATAWAN ay tunay na kumakatawan sa mamamayan, nagpapaunlad ng isang klase ng pulitika (good at alternative politics) na nakabatay sa dialogue, consensus at pakikipag-collaboration sa mamamayang Pilipino. Isang klase ng pulitika na kung saan may malusog, may matatag na Political Party, may ideolohiya, may vision, may mission, may ideal at may conviction.
Doy Cinco / IPD
July 18, 2007
No comments:
Post a Comment