Wednesday, July 25, 2007

AKTIBISMO sa SENADO ang kailangan ng country

Dahil sa critical judgement, mandato't posturang anti-administrasyon ng mamamayan, itinakwil ang unpopular, lameduck at palubug na bangkang papel ng GMA-administrasyon sa katatapos na May Midterm Election, (kuha sa; http://www.tinig.com/v27/images/diokno2.jpg / http://www.sundalo.com/Pictures/claro%20mayo%20recto%201a.jpg) parang isang trophy na pinag-aagawan sa ngayon ang maging "oposisyon." Parang ang lahat ay ayaw mabansagang tuta ng Malakanyang. Parang ang bango-bango sa masa at ang sarap ng pakiramdam na maging "oposisyon." Parang sa panahong ito, maituturing isang pogi-points, karangalan at kabayanihan ang maging oposisyon sa Senado.

Kung sa dati-rati'y may iniiwang isang paa sa Malakanyang ang isang Senador, sa ngayo'y isang kahihiyan ang makipag-ututang dila kay Ate Glo. Sa panahong ito, kailangang magpakita ng pruweba na ika'y isang oposisyon, hindi lamang sa dada, maging sa gawa. Mahirap ngayon lumagay sa gitna, bumalimbing at makipaglaro sa administrasyon. Kaya lang, kung ganito ang
sitwasyon sa Senado, kabaligtaran ang nagaganap sa Nakabababang Kapulungan sa Kongreso.

Ano ang ibig sabihin nito? Dahil lamang ba sa posisyunan sa Senado, agawan ng magagandang KOMITE (hal. Blue Ribbon Committee), kung sino ang magiging Majority-Minority Floor Leader, Pro Tempore, iba pang istratehikong posisyon at konsesyon? Dahil ba sa lumalakas na public opinion ng middle class laban sa administrasyon at nakasubaybay ang mamamayan sa anumang ikikilos ng Senado? Dahil ba sa projection ng bawat isa na lubhang kakailangin bilang preparasyon para sa 2010 presidential election?

Kamakailan lamang, bago ang SONA ni ate Glo at bago makapaghalal ng Senate President sa Senado, napabalitang sumabog, nagkapaksyon-paksyon at nagkawatak-watak ang oposisyon sa Senado. Ang hinala ng marami, nadevide and rule ng administrasyon ang Senado. Ayon kay Enrile, isang pusakal na kaalyado ni Ate Glo, "umabot raw sa 14 ang “maka-administrasyon.” Dahil walo lamang daw ang tunay na oposisyon, nailukluk bilang Senate President si Sen Manny Villar, pinagsutpetyahang “alanganin, baklain at infiltrator” na oposisyon kaysa kay Nene Pimentel na isang “genuine oposisyon.”
(Kuha sa: www.philnews.com/2006/019e.jpg)
Umaatikabong akusasyon at kontra-akusasyon ang nanaig sa Senado. Kinunsyensya ni Nene Pimentel ang kampo ni Manny Villar na maka-administrasyon. Kinastigo ni Ping Lacson, Chiz Escudero, Allan Cayetano at si Jinggoy Estrada bilang mga alanganing oposisyon. Nag-counter attack si Jinggoy at sinabing lima (5) lamang ang tunay na oposisyon sa Senado, Allan, Chiz, Villar, Pimentel at ang sarili. Maski ang spokeman ng GO na si Adel Tamano ay nanlupaypay sa mga kaganapan sa Senado at nagpasaring na “ginamit lamang na behikulo ang partido” ng ilang indibidwal ang oposisyong upang manalo sa election.

Nagreact at 'di-nakatiis ang Mar Roxas, Ping Lacson at Loren Legarda at hayagang nilinaw nilang sila'y tunay na mga "oposisyon." Nakisali na rin sa labanan si Sen Kiko Pangalinan ng sabihin niton may kakaibang katangian ang institusyon at nagmamatter na lamang ito sa klase ng isyu at epekto nito sa mamamayang Pilipino. Idinagdag pa niyang “consistent na independent” ang sarili at ang Senado. Maaring totoo, sapagkat sa isyu ng “pagkakabinbin ni Trillanes” at mga reaction laban kay Ate Glo sa SONA, ipinakitang "palaban nga at nagkakaisa ang oposisyon sa Senado."

Anuman ang ipakitang pruweba ng mga oposisyon sa Senado, pakirandam ng marami na 'di sapat ang ikinikilos ng oposisyon lalo na sa kalagayang warat ang ekonomya't demokratikong mga institusyon. Walang dudang nagdalamhati't nalulungkot ang mamamayang Pilipino na sa kabila ng pagkakahalal nito sa mga oposisyon, sa kabila ng pagkakamasaker sa administration candidate (Team Unity), bakit bumulaga't naiba ang ihip ng hangin at mayorya ngayon sa Senado ay kontrolado na ng administrasyon?

Kung sa bagay, hindi na ito bago, ganito talaga kalupit, kaburikak at ka-oportunista ng pulitika sa Pilipinas. Maaring unawaing ni Mang Pandoy na "pragmatic" lamang mag-isip ang mga senador, walang parti-partido, walang ideolohiya, may sari-sariling AGENDA, kanya-kanyang interest at laro sa pulitika.

Sa kabila nito, alam ng marami na hindi kailangang umasa sa Senado't Kongreso ang mamamayang Pilipino. Sapagkat sa kabuuang pagsusuma, elite dominated at halos lahat sila ay halos magkaka-parehong may pansariling interest, status quo ng kabulukan, sakim at gahaman, ipokrita, mandaraya at oportunista.


Maski sabihing oposisyon ang Senado, eh ano ngayon? May pagbabago ba sa lipunan, nakakatulong ba yan para iahon ang kalagayan ng msang Pinoy? Ang problema, kayo-kayo pa rin at sila-sila pa rin ang naghahari sa pulitika. Lahat sila ay maibibilang sa “traditional politicians” (TRAPO), personality oriented, power-oriented at politics of convenience. Pare-pareho silang nagmimintina ng sistemang PADRINO at naka-asa sa organisasyong tradisyunal na paraan at relationship, ang clan, dinastiya at patron-client relationship.

Para kay Mang Pandoy, hindi na sasapat ang pagiging oposisyon, pagiging anti-GMA at pro-Erap. Hindi na sasapat ang pagiging anti-kurapsyon sa gubyerno o ang pagiging pala-kontra sa lahat ng sasabihin ni Ate Glo? May ilang dekada't malalim ang tagos ng suliranin ng bansa. Bukud sa lider, mas ang pagbabago ng sistema 't kalakaran ang kailangan ng ating bansa.

Atibismo at hindi lantay na oposisyunismo ang bagong hamon ngayon sa Senado. Isang senador na hindi lamang utak pagpapanalo ang nais, bagkus ang usapin kung paano magkaroon ng consensus ang nakararami, “winning hearts and minds” sa mamamayan Pilipino, nagpo-promote ng interest ng malawak na masang Pinoy.

Kailangan natin ang
isang tradisyon ng aktibismo na kung saan ang pakikipag-dialogo at pagpapairal ng demokratikong sistema at pamamaraan ang siyang kalakaran. Isang aktibismong Senado na may malalimang pagtugon sa sentiemento't suliranin ng country. Katulad ng mga aktibistang presidente sa Latin America, si Hugo Chavez ng Venezuela, si Evo Morales ng Bolivia, Rafael Correa ng Equador, Lula ng Brazil, Pres Kirchner ng Argentina at dating pangulong si Mahathir ng Malaysia. Mga astig na pangulong pumapalag at bumalikwas sa pakikipagrelasyon sa US, sa mga Multilateral Institution, International Financial Markets at Foreign Investor. Isang astig na aktibistmo na nag-eengganyo ng pagiging self-reliance, independence at pagkakaisa.

Ang hinahanap ng mamamayan ay ang mga katulad ni Sen Claro M Recto, Diokno at Ninoy Aquino. Isang Senado na may paninindigan, may pulitika ng conviction, may prinsipyo, may plataporma't may kinapapaloobang matatag na Partido, may issues at programa at higit sa lahat, astang astig na Aktibista.


Doy Cinco / IPD
July 25, 2007

No comments: