Namamali si Ate Glo sa tunay na kalaban at terorista ng bansa. Ang alam ng marami, ang tunay na terorista, ang tunay na salot at tunay na nagpapahirap sa mamamayang Pilipino ay sa totoo lang ay ang mga pulitikong buguk, ang mga nangongotong sa Kongreso, ang mga kurakot sa gubyerno, ang mga padrino, lumang pulitiko at siya mismo.
Ang tatlong ito (pulitiko = kotongero, kurakot at TRAPO) ang rekruter, ang tunay na pataba-fertilizer at
(kuha sa; http://upload.wikimedia.org/wikipedia/en/thumb/5/56/
Counterterrorismwiki.jpg/300px-Counterterrorismwiki.jpg) nagpapalakas ng rebelyon at insureksyon (terorismo) sa bansa. Sila ang nagbaon, naglukmuk sa kahirapan, sa karalitaan, nagtutulak sa ating mga kababaihan na magprostitute, sila ang nagwasak at lumuray ng pamilyang Pilipino, nagtulak sa ating mga kababayan natin na mag OFW, sila ang nagtulak sa mga kabataan Pilipino upang maging adik, kriminal at maging inutil.
Dahil sa kawalan ng mapapasukang hanap-buhay, libu-libong sanggol araw-araw ang namamatay dahil sa gutom, nagkakasakit, umiiyak dahil sa walang panggatas na mahihita sa kanyang Nanay. Dahil sa delikadong lagay ng paninirahan, sa ilalim ng tulay at tabi ng creek, milyong pamilya ang taun-taon ang napipinsala ng kalamidad, pesteng sakit (disentrya, dengue at malaria) at iba-ibang mga salot dahil sa kapabayaan ng pulitiko.
Napatunyang mga kriminal at terorista ang tatlo sa katatapos lamang na May midterm election. Sinalaula nito ang demokrasya ng muli nitong itayo ang kani-kanilang mga kaharian (oligarkiya). Ginago ng mga pulitiko ang boses ng mamamayan o ang “right of suffrage” sa pamamagitan ng garapalang pandaraya, pananakot, pamimili ng boto at panunuhol sa panahon ng election. Hindi sila tunay na inihalal ng bayan, sila ang mga pekeng kinatawan at representante sa Tongreso na nagpasasa sa katiwalian at nagwasak ng ating mga komunidad.
Milyong Pilipino ang naninirahan sa 'di maayos na kalagayan, walang maayos at mapanganib na paninirahan, kawalan ng serbisyo't pangkagalingang bayan tuld ng; maiinum na tubig, mataas na bilihin, walang kuryente, kakulangan ng transportasyon, kakulangan ng hospitalization, 'di kalidad at walang edukasyon, dahil sa mga pulitiko. Milyong Pinoy at padre de pamilya ang naitulak at ipinasubo sa Middle East, sa Africa at Asia para lamang sa DOLYAR upang maging “super katulong.” Sa totoo lang, mas masahol pa sa World War 2 ang dinanas na casualty ng Pinoy kung ikukumpara sa pinsalang idinulot ng buluk na paggugubyerno ni Ate Glo at ng mga pulitiko.
Ang mga pulitikong buguk ang nagwasak ng ating ekonomya, isinanla nila ang Pilipinas sa mga gahamang mga dayuhan, nagtaksil ang mga pulitiko na mas tangkilikin ang mga interest ng dayauhan kaysa mga Pilipino. Ang mga pulitiko at ang palasyo ang salarin sa pandarambong ng kabang yaman ng bansa. Sa bawat pisong inilalaan budget bilang serbisyo para sa mamamayan, kurenta sentimo (40%) nito ay kanilang ibinubulsa at kinukurakot. Ang maling sistema ng paggugubyerno (bad governance) ang tunay na dahilan kung bakit tayo napag-iwanan, nakolelat sa kaunlaran sa rehiyong Asia Pacifico.
Ang tanong ng country, ang lahat ba ng isyung nabanggit ay maisisisi natin sa mga holdupper, sa mga kotong cops, sa mga snatcher at rapist, sa existence ng Abu Sayaff Group (ASG), sa Jemaa Islamiya (JI), sa Grupong Magdalo, CPP-NPA, MILF at MNLF?
Maganda man ang intensyon ng batas, sabihin man ng Malakanyang na mas secured ang mamamayan o maraming safety nets o safeguards, tulad din ng sandamukal na batas (hal. ay ang Omnibus Election Code), kung ang implementasyon o ang estadong mag-immplementa nito ay paranoid, praning, nahihibang sa kapangyarihan, nawalan ng kredibilidad at pagtitiwala, mabuti pang ibasura na ito o ipagpaliban muna.
Doy Cinco / IPD
July 12, 2007
The ACTIVIST SCHOOL FILM and LECTURE SERIES
ROUND TABLE DISCUSSION:
The Human Security Act of 2007 and its Implications on Civil and Political Rights
-Ibarra M. Gutierrez III
UP Institute of Human Rights
General features of RA 9372:
1.Expanded powers of arrest and detention
2.Proscription of “terrorist” organizations
3.Expanded powers of surveillance and investigation (searches, seizures, etc.)
4.Defines new crimes (terrorism, conspiracy to commit terrorism)
Definition of terrorism:
1.Commission of certain crimes existing under old law (RPC, etc.) such as murder, rebellion, hijacking
2.Coupled with effect of sowing widespread fear and panic
3.For the purpose of coercing government to give in to an unlawful demand
Issues with the definition:
1.Redundant, except for purpose/intent, already penalized under existing laws
2.Vague, “widespread fear and panic” not clearly defined
3.Restrictive, requirement of “unlawful demand” not always present and emphasizes political actions
On conspiracy to commit terrorism:
1.General rule, conspiracy not punished except with certain crimes which threaten existence of the State (treason, rebellion, etc.)
2.Conspiracy meted out lower penalty, but in ATB, same penalty (40 years) as actual commission
On accomplices and accessories:
1.Adopts wording of RPC
2.But in context of requirement of “widespread fear and panic,” publicity becomes essential to nature of offense
3.Hence an “accessory” who helps offenders to “profit” from the crime may include media who publicize terrorist act
Proscription of organizations:
1.Done by the RTC at the behest of the DOJ, after notice and hearing
2.Does not “outlaw” organization and members per se , but makes them susceptible to increased surveillance and/or seizure of assets
Arrest and detention:
1. Allows for warrantless arrests of persons “suspected” of being involved in terrorism
2. Dramatically expansion of old rule found in the Rules of Court, which generally only allows such arrests if person is caught in flagrante
3. Doubles the maximum allowable period of detention (from 36 to 72 hours) under the old law before person arrested must be judicially charged
4. Allows for a longer, indefinite, period in the case of “actual or imminent” terrorist attack upon authorization by a judge or a HR commission official
5. Persons charged with terrorism, who are able to post bail due to absence of strong evidence of guilt, can nonetheless be ordered by court, upon application by the DOJ, to travel only within city/municipality of residence
6. Court may also order house arrest and restriction of communications
Surveillance and investigation:
1.Law enforcers can apply with CA for authority to wiretap or intercept communications of persons charged or suspected of terrorism or conspiracy, and members of proscribed terrorist organizations
2.Cannot apply to certain communications (lawyer/client, doctor/patient, journalist/source, business correspondence)
3.Authorization good for 30 days, extendible for another 30.
4.Police must file charges within 30 days from expiration of authorization, otherwise they must inform person of the surveillance
Seizure and examination of bank deposits:
1.Law enforcers can apply with CA for authority to examine bank deposits of persons charged or suspected of terrorism, proscribed organizations , members of proscribed organizations
2.In addition, property and assets belonging to the above shall be seized or sequestered
Safeguards:
1.Necessity of judicial authorization
2.Judicial custody of surveillance materials
3.Reiteration of rights of the accused
4.Grievance mechanism (OMB, Sol Gen, DOJ Usec)
5.Damages upon acquittal (P500k/day of detention)
IPD office
July 17, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment