Upang labanan ang lumalalang tagtuyot na dinaranas ng Bansa, P664.0 milyon ang ilalabas ni Ate Glo. Ang nasabing pondo ay ibabagsak sa Department of Agriculture upang gamitin raw sa "cloud seedling, pambili ng tube wells, corn production at fortified seeds para palakasin ang pruduksyon ng gulay sa bansa." Iimplementa ang nasabing programa sa mga lugar kung saan tumama ang matinding tagtuyot, sa Region 1, 2, 3, 4 at 5.
Kung ating susuriin, masyadong "reactive" at panandaliang lunas ang nasabing programa ng Malakanyang. Hindi nito ganap na tinutumbuk ang tunay na sanhi ng problema sa krisis ng kalikasan. Ang isang nakaka-alarma, kung idadaan muli ito sa LGUs, hindi malayong paniwalaang kakangkungin lamang o mauuwi ito sa bayad utang at pamumulitika. Marami ang naalarma na baka paeklat lang ito ng Malakanyang at "emergency power" ang tunay na direksyon at agenda ni Ate Glo. Tandaang hindi pa ganap na nareresolba ang isyu ng Jocjoc Bolante.
Ang tanong ni Mang Pandoy, maliban sa natural penomenom na tinatawag, bakit hindi suriin ng malaliman o busisiin ang mga kadahilanan ng grabeng tagtuyot na dinaranas sa anggulong "man made calamity " o kagagawan ito ng patuloy na pangggagahasa ng malalaking konsesyong kumalbo at sumira ng ating mga kalikasan sa buong bansa. Siya rin ang dahilan kung bakit nasawata ang ating mga WATERSHED sa Sierra Madre, Zambales Range, Cordillera, Carballo Mountain, Mt Apo at iba pang mga kabundukang kumanlon sa mga tropical rain forest.
Ang walang habas na pagkasira ng ating kagubatan o ng ating mga tropical rain forest ang dahilan kung bakit lumala, matumal at kulang-kulang ng laman ang ating mga DAM o water reservoir. Ang tanong na dapat bigyan ng kasagutan, inutil ba, sangkot ba, nagpabaya ba, hindi ba na-antisipa (foresight) at wala bang programang isinagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang masawata ang inaasahang krisis ng tagtuyot?
Ayon sa Haribon, isang NGO na ng-aadvocate ng Kalikasan, “ang pagpapanumbalik ng tropical rainforests ang siyang dapat unang binigyan pansin ng DENR." Malaki ang potensyal ng rain forest upang muling buhayin ang CARBON sa atmosphere na makakatulong hindi lamang upang maimintina ang ecological balance, bagkus makayanan nitong makapag-adopt ng matinding pagbabagong magaganap at nagaganap sa ating klima, ng ating panahon at iba pang epektong geohazards.
Dagdag ng Haribon, “halos malaking bahagi ng ating mga river basins at critical watershed areas ay lubhang pininsala na ng mining explorations at operations, gayun din ng talamak na commercial logging, wildlife poaching, illegal settlements at land conversion." Ilan sa mga napuruhan ng walang habas na panggagahasa ay ang Angat, Umiray at Ipo dams na siyang pangunahing supplier pa naman ng tubig sa mga taga-Metro Manila. Isang malaking banta ng sustainability ng ating water sources sa Metro Manila ay ang patuloy na pagqua-quarrying, logging at intrusyon sa mga watershed mismo. Ang iba pang nanganganib na mapinsala ay ang sumusunod:
1. Rio-Pulanggi Watershed- Tampakan Mining (FTAA), South Cotabato
2. Buayan- Malungan Watershed- Tampakan Mining (FTAA), South Cotabato
3. Cagayan Valley Watershed- Didipio Copper- Gold Project (FTAA), Nueva Viscaya and Quirino
4. Cagayan Valley Watershed- Luz Mahogany Timber Corp. (TLA), Cagayan Valley
5. Cagayan Valley Watershed- Pacific Timer Export, Inc. (TLA), Cagayan Valley
6. Cagayan Valley Watershed- Liberty Logging, Inc. (TLA), Cagayan Valley
7. Cagayan Valley Watershed- Industries Development Corp. (MPSA), Cagayan Valley
8. Pampanga Watershed- Inter Pacific Forest Resource Inc. (TLA), Aurora, Nueva Ecija and Bulacan
9. Pampanga Watershed- Republic Cement (MPSA), Bulacan
10. Pampanga Watershed- Bacnotan Cement (MPSA), Bulacan
11. Agno Watershed– Philex Mining (MPSA), Benguet
12. Agno Watershed- Northern Cement (MPSA), Pangasinan
13. Agno Watershed- Oregon Mining (MPSA), Pangasinan
14. Agno Watershed- Rock and Ore Industries (MPSA), Tarlac
15. Pasig- Laguna Watershed- Quimson Limestone, Inc. , Rizal
16. Pasig- Laguna Watershed- Quarry Rock Group, Rizal
Ito ang dapat atupagin, paimbistigahan at papanagutin ni Ate Glo, ang bagong talagang Kalihim ng DENR na si Lito Atienza at ang Chair ng Environment at Natural Resources sa Kongreso na si Iggi ''Jose Pidal'' Arroyo at Mikee "Mola" Arroyo ng Energy Chair.
Doy Cinco / IPD
July 31, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
знакомства интим брянск
в [url=http://goooogl]Gooogle[/url] девчонки тольятти знакомства
интимные рекорды гиннеса
Post a Comment