Saturday, July 14, 2007

Live Earth Concert laban sa Global Warming, dedma sa Masang Pinoy?

Mukhang hindi gaanong nag-click sa Pilipinas ang Live Earth concert on Global Warming noong nakaraang Linggo. Sa kabila ng matinding paghahanda, mga sikat na rock singer, malawak na coverages areas, ilang mga sikat na lunsod ng mundo ang sabay-sabay na nagpakonsierto at tinatantyang may 20.0 milyon ang nanoood sa TV at sa internet, dedma pa rin sa masang Pinoy.
(mula sa: bp0.blogger.com/_gg-AmX0naoc/RqWsuJ9xm8I/ AAAAAAAAAAM/h28HS3wZ1P0/s1600-h/large_sting.jpg)

Nakakalungkot din isipin na inamag din sa takilya nuong nakaraang buwan ang pelikulang “An Inconvenient Truth” sa Pilipinas. Isang Academy Award winner na nakapatungkol sa isyu ng Global Warming at iprinisinta pa ni Al Gore, dating Vice President ng US. Ano ang ibig sabihin nito, dahil ba kaya sa "piracy," o maagang paglipana ng mga pirated DVD ng pelikula o dehins type ng Pinoy ang isyu?

Sa aking pagkakatanda, dati-rati’y isyu ng “UTANG ng MAHIHIRAP na Bansa ng mundo ang Tema ng Live Earth concert. Naalala pa natin nuoon ang panawagan ng mundong DROP the DEBT,” ibig sabihin, ipawalang bisa ang utang ng Ikatlong Daigdig bunsod ng matinding dinadans na karalitaan. Kung ito pa rin sana ang naging tema ng Live Earth, baka kinagat pa ng mga Pilipino, sapagkat ang isyu ng Utang Panlabas ng Pilipinas ay isa sa pangunahing dahilan kung bakit nagkawindang- windang ang katayuan ng masang Pinoy.

Ang tanong ng marami, "mas concern lamang ba ng middle class ang isyu ng kalikasan o mas kakulangan lamang ito ng masidhing kampanya sa konteksto ng Pilipinas, kahinaan ng organisasyon at personalidad, mga pamunuan na nag-aadvocate ng isyu?"

Kung sa bagay, maraming mahahalagang isyu ang dapat asikasuhin ng Pinoy kaysa sa isyu ng Kalikasan. Ang Pilipinas bilang isang bansa na nakahanay sa Ikatlong Daigdig ay ‘di hamak na mas may kakaibang sitwasyon kung ikukumpara sa First World. Sa Pilipinas, araw-araw sa ginawa ng diyos, mas survival instinct at basic pa ang isyu, nasa antas pa tayo kung saan ang isyu ng GUTOM, HANAP BUHAY, basic services tulad ng isyu ng tubig, kuryente, pabahay, weteng, prostitusyon at kahinaan ng demokratikong institusyon sa bansa. Walang kamatayang isyu pa ng Karalitaan, pamumulitika at pangungurakot ang mas tampok at mas may kiliti pa sa puso ng masang Pinoy.

Mas kay daling unawain kung bakit kinakabahan, kung bakit abalang-abala, kung bakit todo-todo ang malakasakit ng mayayamang at makapangyarihang bansa ng mundo sa isyu ng “Climate Change,” sapagkat ‘di tulad sa Pilipinas, bukud pa sa sinasabing lagpas na sila sa isyu ng Kaapihan at Karalitaan at apektado ang kanilang negosyo, iba na ang pinagkaka-abalahan ng mga mamamayan sa bansang ito, mas nasa antas na sila ng pagiging “global citizens,” meaning hindi na lamang isyu ng sariling bansa ang inaatupag ng mga tao, mas PANDAIGDIGAN na ang kanilang saklaw.

Doy Cinco / IPD
July 14, 2007

No comments: