Tuesday, July 31, 2007

RP Basketball team bulilyaso, itigil na ang kahibangan

Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi talaga nararapat sa atin ang larong basketball. Pinatunayan na ito sa halos dalawang dekadang nalalagay sa kahihiyan ang Pilipinas sa larong basketball sa Asia, maging sa South East Asia.
(kuha sa:
www.pia.gov.ph/album/phi/phi007.jpg)

Hindi na kailanma'y makakasampa pa sa Olympic Basketball ang koponan ng Pilipinas. Ang pagkakatalo ng RP team sa Jordan ay inaasan na ng lahat, sapagkat ang pangunahing pinagtutunan sa Pilipinas ay kasakiman sa pulitika, katiwalian at pakikidigma sa kapwa Pilipino. Maaring ihalintulad na lamang ang larong basketball sa Pilipinas sa ekonomyang gigiray-giray at napag-iwanan.

Mula ng lumitaw ang professional basketball, nagmistulang mga ELITE ang halos bumubuo ng mga players sa PBA. Mismo ang pamunuan ng Philipp
ine Sports Commission at Olympic Committee (POC) ay na-virus na rin sa talamak na pamumulitika, katiwalian at padri-padrino. Dahil dito, nagsimula na ring malasin at mabansot ang larong basketball sa bansa, sinalaula nito ang dati rati'y hari, kinikilala, presitihong basketball ng 'Pinas sa Asia. Dahil sa elitist oriented-millionaires club ang karamihan bumubuo sa PBA at pamunuan nito, nawala na ito ng silbe, nawalan na ang usapin ng pagmamahal at paglilingkod sa bansa at umiral ang pera-pera, porma at pagyayabang.

Next year na ang Beijing Olympic at aasahang malalagay uli tayo sa kahihiyan. Panahon na rin upang pag-isipan at pagnilay-nilayan ng POC ang sports development ng bansa. Ganap ng ibasura ang larong basketball at palaganapin ang mga alternatibong sport na hindi salik ang kalakihan ng mga players (6ft-7tf) na maaring may chance na makatabla ang Pilipinas sa pandaigdigang labanan. Tulad ng larong boxing, archery, football, chess, diving, cycling, badminton, tennis, bowling, triatlon o marathon at iba pa.

Ang mga popular na sports na ito ang dapat
nilalaro sa UAAP, NCAA at regional league sa bansa. Walang pag-aalinglangang dapat tutukan, ipriority, tanggalin ang pork barrel sa Kongreso at ilipat sa sports dev't ang malaking bahagi ng budget, hanapan ng sponsorship at advertising sa pribadong korporasyon, ipopularized at panuurin sa television ng gubyerno. (Kuha sa: biocrawler.com at www.flickr.com)

Sa kabila ng kahusayan nating mag-spokening DOLLAR at pumapangatlo ang Pilipinas sa nagsasalita ng ENGLISH sa mundo, kulelat naman tayo sa SPORTs at sa halos lahat ng larangan sa Asia. Nakakapanglupaypay isiping tanging caregivers- KATULONG, japayuki, PROSTITUTION, bagsakan ng ukay-ukay at basurahan na lamang ang expertice ng 'Pinas. Nakakaiyak, super kawawa tayo, pinaubaya't ipinagkatiwala kasi natin sa mga traditional politicians (TRAPO) ang pamumuno ng country.

Doy Cinco / IPD

July 31, 2007

No comments: