Ibinasura rin ni Judge Pimentel at ng DOJ ang petisyon ni Trillanes na makapagsagawa ng sariling opisina sa selda at makapagtrabaho bilang mambabatas. Tulad ni Sec siRaulo Gonzales, ginamit ni Judge Pimentel ang wala sa hulog na argumentong, “kung may 12.0 milyon mandato si Trillanes, dahil daw sa “People of the Philippines," mayroon namang daw na 85.0 milyong pipol ang nasa likod ng DOJ.” Tama, wala nga namang binatbat ang 12.0 milyon sa 85.0 milyon populasyon ng Pilipinas. Idinagdag pa nitong "kasalanan ng mamamayang Pilipino kung bakit ibinoto at inihalal si Trillanes sa kabila ng pagkakabilanggo nito sa salang rebelyon at kudeta, matigas daw ang ulo ng mga botante."
Nakakalungkot isiping, matapos payagan ng COMELEC na irihistro't 60 days na kumampanya sa Senado si Trillanes, ng manalo ay bigla nalang ibinalagbag na "hindi ka pwedeng umupo at gumampan bilang Senador."
Paano ipaliliwanag at ipatatanggap kay Mang Pandoy na nasa likod ng mamamayan (85.0 milyon) Pilipino ang DOJ? Bakit, “people ba ang pamunuan ng DOJ?” Sa totoo lang, ang DOJ ay kinakatawan ng ELITE, casique, oligarkiya't dinastiya. Interest ng ruling elite ang ipinagtatanggol ng DOJ at hindi ang People of the Philippines." Kinakatawan ng DOJ at ang kabuuang Ehekutibong pinamumunuan ni Ate Glo ang mga mapagsamantala, mapanupil, mandaraya't pekeng presidente ng Pilipinas. Kailanma'y hindi dapat akuin ni Judge Pimentel at DOJ ang 85 milyong mga Pilipino, sapagkat malayong magkaiba ang interest ng 85.0 milyong Pilipino sa interest ng Malakanyang at DOJ.
Nawalan na ng moral ascendancy ang institusyon ng hustisya sa bansa. Kung babaybay ang track record ng DOJ sa ilalim ni siRaulo Gonzales, wala na itong inatupag kundi halikan ang tumbong ni ate Glo, kastiguhin ang mga kritiko ni Ate Glo at isalba ito sa kangkungan ng kasaysayan. Ang ilan sa kasalanan ng DOJ ay ang sumusunod;
Una; ang kahihiyan sa desisyon at pagyurak sa karapatan ng “Batasan 6.”
Pangalawa; sinabi nitong “lilikidahin daw ng communist hitman si Erap Estrada kaya dapat lang daw na ipagbawal ang pagdalaw at pagbisita sa Tanay.”
Pangatlo; hayagan nitong inaming may sayad ang sarili ng sabihin nitong, “ "weder wader lang yan, PUPWEDE kung sana'y nagtagumpay ang "rebelyon (nung Feb 2006) - withdrawal of support at walk in the park", ngayon ay hindi na pupwede, NATALO kayo, sa kangkungan kayo!" Bunsod ito sa hayagang pag-aming “kinanlong” ng aktibistang si Bishop Tobias ang ilang miembro ng grupong Magdalo (matapos silang pumuga sa detention center sa Kampo Militar).
Pang-apat; ng sabihin nitong kakasuhan ng rebelyon si Susan Roces, “kaya lang hindi raw nababagay ito kay Susan Roces dahil maganda ito.”
Pang-lima; ang patudsada nito kay Cory Aquino ng banggitin nitong, “mas una nitong asikasuhin si Kris Aquino kaysa ang sambayanang Pilipino.
Pang-anim; ng kasuhan nito si Bishop Tobias ng rebelyon. Ayon sa siRaulo, “harboring criminal” ang ginawa ng Obispo ng inamin mismo ni Bishop Tobias na itinago nito ang mga Magdalo pipol.
Pang-pito; wala itong nagawa sa kaso ni JocJoc Bolante (Bagman ni Mike Arroyo) at Com Garcillano (hello Garci). Mga taung kasabwat at galamay ni Ate Glo sa pandaraya nuong 2004 presidential election. Ang pamumudmud ng P800.0 milyong fertilizer scam at “dagdag-bawas special operation.
(kuha sa: www.abs-cbnnews.com/.
Kung matatandaan, bukud kay Sec siraulo Gonzales, palakang kokak na sinang-ayunan rin ni Sen Miriam Brenda Santiago at Enrile ang naturang disisyon ng DOJ kay Trillanes. Ayon kay Miriam, "sa ilalim raw ng military court martial dapat lang na mabuluk sa detention si Sen. Trillanes.” Dagdag pa, “wala raw gaanong pinagkaiba ang kaso ni Trillanes at ni Jalosjos kung ibabatay raw ang disiyon ng Supreme Court na kung tawagin ay People of the Philippines versus sa mga kriminal." Umarangkada pa ang Brenda, "sa isang taong na-convict at pending ang appeal at nahalal bilang kinatawan sa Kongreso ay dapat lang daw manatili sa bilangguan kahit ang huli ay nahalal pa ng bayan.” (kuha sa: http://www.abs-cbnnews.com/storypage.aspx?StoryID=86762)
Bagamat parehong may kasong kriminal, pogi points at politikal ang kaso ni Trillanes, kasong "unbecoming an officer and a gentleman before the General Court Martial" at kasong politikal, habang pedopilya't rapist ang kaso ni Jalosjos.
Akusado na, guilty at napatunayan NANGGAHASA si Jalosjos, samantalang nililitis pa rin hanggang sa kasalukuyan si Trillanes, hindi pa naaakusahan, until proven guilty at hanggang ngayon maikukunsidera pang inosente. Naging rebelyon lamang ang kaso ni Trillanes sa simpleng dahilang hindi ito nagwagi sa labanan. Kung saka-sakaling nagtagumpay ang Oukwood, tulad ni Enrile, FVR, tulad ni Sec Angelo Reyes sa panahon ni Erap, maituturing bayani at malalagay sa pedestal ng rebolusyunaryong kasaysayan ng Pilipinas.
Dapat maghinay-hinay at mag-ingat ang Malakanyang sa klase ng pambababoy, pagtratong berdugo kay Sen Trillnes. Hinding-hindi kailanma'y maaring ipagkumpara ng palasyo si Trillanes kay Jalosjos, sobrang garapal at halatang-halatang politically motivated ang tirada ng Malakanyang.
Dapat malaman ng Malakanyang na hindi isang kriminal si Trillanes, hindi siya nangurakot at nandambong (plunder) ng kaban ng yaman ng bansa, hindi siya nasangkot sa dagdag-bawas special ops nuong nakaraang election, wala siyang armory at private army na tulad ni Ampatuan, hindi siya murderer at rapist, hindi siya nag-commit ng pagtataksil (treason) sa bayan at higit sa lahat, hindi siya sinungaling, oportunista, pulitikong buluk at kotongero.
Lalo lamang nitong pinapaypayan, sinisigaan at binubuhusan ng gasolina ang bulkang diskontento laban kay Ate Glo at sa Malakanyang. Katulong ang ilang bayarang media at pulitiko, pinipilit burahin, pinupulaanan, pinapanghina o nineu-neutralisa ang mga suportador nito at burahin ang persepsyon ng mamamayan na ang kadahilanan ng pagkakapanalo ni Trillanes sa senado ay dahil sa protest vote, anti-GMA-pangungurakot vote, political reform vote hanggang sa anti-sistema't establishment votes para kay Trillanes.
Kung ako kay Ate Glo, tutal wala na siyang balak na tumakbo sa 2010, may sakit siya at ang kanyang asawa, ipatupad nito hindi lang ang kanyang INFRA legacy maging ang pag-iistabilisa ng political situation ng bansa, irespeto nito ang 12.0 milyong boto ni Trillanes, “pakawalan ang lahat ng mga sundalong (Oakwood) nabibinbin sa bilangguan, lahat ng bilanggong pulitikal, patalsikin si Sec Raul Gonzales at ganap na ioverhaul-ireporma ang sistemang hustisya ng bansa.
Doy Cinco / IPD
July 31, 2007
No comments:
Post a Comment