Ayon sa encyclopedia Wikipedia, ang Amnesty International o kadalasan AI kung tawagin sa NGO community sa Pilipinas, ay isang international Non Governmental Organization (NGO) o pribadong organisasyong nag-aadvocate at nagmomonitor ng paglabag sa karapatang pantao (nakabatay sa Universal Declaration of Human Rights) sa mundo.
Kabilang sa pinakikipaglaban - advocacy nito ay ng pagpapalaya ng lahat ng uri ng bilanggong politikal (anumang pananaw o konsiensyang tangan: Taliban, Hesbolla, Kumunista man o repormista, Kaliwa man siya o Kanan, Bachunin, Maoist o Leninista man, anarkista, kulto, Hamas, Kristiano't Muslim, Atheista man, Hudyo't Zionista, Magdalo/YOUng, Abu Sayaff, MILF, Urban Guerilla man siya), pag-aabolish ng death penalty, torture, at iba pang uri ng pang-aabuso, pagmamalupit at 'di-makataong pagtrato, pwersahang pagdukut at political killings (na siyang putok sa Pinas).
Nilalabanan nito ang lahat ng klaseng human right abuses na isinasagawa ng iba't- ibang grupo lalong-lalo na kung ito'y iniisponsor, kinakandili, kinukunsinti ng isang ESTADO (tulad sa kaso ng Pilipinas). Kasama rin sa adbokasiya nito bukud sa karapatang pantao, ang pagsusulong ng karapatan pang-ekonomya't sosyal at pang-kultura.
Sa pangunguna ng Roman Catholic at mga grupong abugadong kinabibilangan sa Englatera, naitatag AI nuong 1961. Sumunud na taon (1962), lumawak at naitayo ito sa maraming mga bansa; sa West Germany, Belgium, Switzerland, Netherlands, Norway, Sweden, Ireland, Canada, Ceylon, Greece, Australia (Amnesty International Australia), the United States (Amnesty International USA), New Zealand (Amnesty International Aotearoa New Zealand), Ghana, Israel, Mexico, Argentina, Jamaica, Malaya, Congo (Brazzaville), Ethiopia, Nigeria, Burma, at India. May dalawang milyong miembro (2.0 million) ito worldwide.
Si Jessica Soto, na matagal ko ng kakilala since collage days, tubong San Jose City, Nueva Ecija (area ni Gen. Jovito Palparan) ang kasalukuyang executive director ng Amnesty International-Philippines.
Mataas ang pagtingin, prestihiyo at paggalang ng mundo sa AI. Sa kanyang kasaysayan (track record) bilang isang institusyong nagbabandila, nagtatanggol at nagpoprotekta ng karapatang pan-tao, wala itong pinanigan o anumang grupong kinatigan. Puro't dalisay na naistablished nito ang pagiging neutrality at impartiality. Pinanatili nito ang pagiging isang independent, wala ni anumang inpluwensya ng anumang (makapangyaring) gubyerno, political ideology, economic interest at relihiyon.
'Ni minsan, wala itong sinuportahan, kinunsinti, kinampihang gubyerno o sistemang pampulitika sa mundo. Wala itong kinatigan o binatikos na pananaw ng mga biktima na kanyang prinotektahang (karapatan).
Sa kanyang adbokasiya't pakikipaglaban, wala itong pinaligtas o wala itong sinantong mga bansa. Ultimo US, ang Great Britain, ang Rusya, ang Israel, ang China, ang Yugoslavia, Cuba, Nort Korea at iba pang mayayamang bansa at mga umuunlad na bansa sa ikatlong daigdig (diktadurang Marcos) ay nakatikim ng matitinding pagbatikos at PUNA.
Kinilala ang AI sa mundo, nirespeto ng halos lahat ng Human Rights organization ng mundo. Sa katunyan, dahil sa patuloy na pagtatanggol ng karapatang Pantaoo, napa- rangalan at nabigyan ito ng prestihong award ng Nobel Peace Prize nuong 1977, isa ring international na institusyong nagtataguyod ng kapayapaan.
Pasalamat tayo at mayroon isang organisasyong tulad ng AI na nakapagpayanig sa Malakanyang. Kasi, kung sakaling isang lokal na ahensya lamang (CBCP) ito o isang pipitsuging lokal na NGO na nag-ala AI, baka pinulot na ito sa kangkungan, baka kinasuhan, ni-libel, binansagang maka Kaliwa (CPP-NPA) at mga terorista.
Inaasahan at natural lamang na magreact at mag-aalburuto (immediate reaction) sa AI ang mga guilty, ang mga salarin at mga suspect sa Malakanyang. Ang kasabihang "depende kung nasaan panig ka", pro-GMA o nasa anti-GMA side (matutuwa) ay magre-react. Madaling unawain ang mga ito, tulad ng mga reaksyong;
1. "isa itong UNFAIR, dahil may demokrasy ang Pilipinas"; ang gubyerno ay gumagawa ng lahat ng paraan to address ang lahat ng problema ng political killings (extra- judicial killings) sa bansa. Isa raw patunay ay ang pagtatayo ng isang 'Powerful body' na mag-iimbistiga ng patayan sa hanay ng militante at mga journalist". Ano na ang nangyari sa "Task Force Usig" ni Razon?
Ang mabigat na problema, babalik ang isyu ng kredibilidad at pagtitiwala. Ang persepsyon ng country na "blood thirsty, power hungry with an attitude" na ipinupukol ng mga kaaway sa politika ni Ate Glo ay hindi malayong mas paniwalaan ng country!
2. “dinouncing” ang isa ring sagot ni Ate Glo sa AI. Isang patunay daw ay ang pag-pressure nito sa mga law enforcement agency (task force usig?) na “pabilisin” ang lahat ng kaso ng extra-judicial killings. Dagdag pa, binigyan pa nga ng deadline na 10 linggo ang PNP at DOJ na magpakulong ng 10 salarin sa kaso?
Pinaplano rin ni Ate Glo na magtatag ng isang Komisyon o task force (na naman!) na mangangasiwa sa usapin ng mga pagpatay. Isa na namang DEODORANT ito sa mabantot na kredibilidad ng Malakanyang. Anong nangyari sa Konmisyon sa Electoral ni Hilarion Davide, tinigpas ba niya ang mga salarin ng Hello Garci at maanomalyang kontratang Automated Counting Machine sa Mega Pacific? Isang Komisyon / Task Force Weteng ang itinataga ni Ate Glo, may ngyari ba, natigpas ba ang ulo ni Bong Pineda?
Ang mabigat na tanong ngayon ay kung; seryoso ba si Ate Glo na maresolba ang political killings o seryoso itong madurug ang kilusang komunismo sa loob ng 3 taon, kahit madamay at malabag ang karapatang pantao ng country, ng mamamayang Pilipino? Kaya ba nitong maihinto ang political killings, may buto ba ito sa gulugud, kontrolado ba niya ang sitwasyon o wala na itong hawak, kontrol, impluwensya sa military? Mula ng magsimula ang krisis pampulitika't ilihitimong pangulo, nagkaroon ng sariling palo ang AFP.
Sa nakalipas na taon, utus-utusan, tau-tauhan na lamang at sunud-sunuran na lamang siya sa anumang naisin, gawin ng AFP! Isang maliwanag na halimbawa dito ay ang 7th IB ni Gen Jovito Palparan!!
3. "Cry foul" naman ang reaksyon ng PNP. Ayon kay Razon (Deputy Director General ng PNP) puno ng “task force usig”, bakit hindi man lan daw sila kinusap ng AI? Haa! Mahiya ka na rin, sino ka upang intertainin ng AI, isa kang partisan, pusakal na "anti-kumunista" at nakasuso kay GMA! May humabol pang isang galamay, "unfair" ang ikinokak ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
4. "hindi totoo at maling sabihing (ng AI) may pananagutan ang gubyerno sa mga nagaganap na political killings", mariing reaksyon naman ito ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas (PDSP), isang (dulong Kanang) partidong anti-komunista. Nagkamali rin daw ang AI sa pagsusuri nitong "ang political killings ay tatapatan lamang, sasagutin lamang ng isa pang panibong mga killings" o walang dudang may retaliatory attacks sa panig ng armdong grupo. Gago, hindi ba kayo nag-aaral ng kasaysayan?
Idinagdag pa ni Fr Intengan na napaka-dangerous daw ang nasabing pagsusuri ng AI, lalo lamang daw nitong ini-encourage, ginagatungan o pinangungunahan na mas lalala ang pakikidigmang guerilla at pampulitikang sitwasyon sa bansa. (may itinayong SPARU - upang tapatan ang political killings ng maka-kanang gubyerno?) Paring pulpul mag-isip, nag-aral ka ba ng (sociological) history?!
Kung matatandaan (Martes, Aug 15), sinabi ng AI na dumarami, papalala ang insidente ng political killings sa Pilipinas. Pawang mga nasa “maka-Kaliwang” grupo o mga nasa hanay ng militante't progresibong organisasyon kontra sa kasalukuyang rehimen ni Ate Glo ang kalakhang nabiktima.
Ayon kay Tim Parritt, South East Asia researcher ng Amnesty International, isang malaking paglabag, iligal at walang lugar sa mundo ang isinasagawang mga pagpatay. Idinagdag pa nito na isang malaking KAHIHIYAN sa bahagi ni Ate Glo at ng gubyerno ang patuloy na kawalang kalayaan sa pamamahayag ng paninindigang politikal ng mga Pilipino.
Kung nagpaplano ang Malakanyang na "idemolition job" , siraan ang AI o dili kaya'y suhulan, ligawan, gapangin, ipatawag at imbitahan sa Malakanyang (mga kinatawan ng AI) para pasirkuhin, bumaligtad, tulad ng mga nauna nitong ginagawa't istilo sa hanay ng Obispo (CBCP), sa oposisyong sa Tongreso, sa mga weteng witness, Jose Pidal witness, siguradong supalpal at mabibigo ito!!
ANG TANONG NGAYON, sino ngayon ang dapat paniwalaan? Ang AI o si Ate Glo't ang Malakanyang? Sino ang mas-may kredibilidad at may mataas na respeto sa mata ng mundo, ang Malakanyang, ang PNP, si Gen. Jovito Palparan, ang PDSP ni Fr Intengan o ang Amnesty Interntional?
Doy Cinco / IPD
August 17, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment