'Di ba kayo nakakahalata? Panay “super” na lamang ang bukang bibig ni Ate Glo. Ibinalagbag ang “super regions” nung nakaraang SONA. Ngayon, "super maid" naman. Ang super ay halaw mula sa pelikulang SUPERMAN. Wala na bang maisip na propaganda- gimik ang Malakanyang at ng kanyang spin doctors?
Parang pinangangalandakan at taas noong ipinagmamalaki na ang bansang “Pilipinas ang may pinakamagaling, pinakamahusay, ang may tangan sa gintong tronong tagapag-luwas ng “domestic helper”, caregivers at super Chimay ng mundo.
Sa Sona, nasaan ang “super” sa mga regions na kanyang iprinopa sa country? Baka ang totoo, mas matatagpuan at mas makikilala ang mga super regions na pinaghaharian ng mga super trapo, mga super pulitiko, super padri-padrino, super kurakot, super weteng lords, super CRONIES, super warlords at super oligarkiya!
Nasaan, sino, bakit at paano naging "super" ang ating mga kababayang Pinay na OFW? Hindi sa nilalait, kinukutya o pinagtatawanan natin ang ating mga kababayan na kuma- kapit sa patalim, suungin ang panganib at survivor instinct sa halagang $100 kada buwan. Bukud sa "super placement fee", palagiang niyuyurakan ang respeto't dignidad maiahon lamang ang kalunus-lunos na kalagayan sa sariling bayan.
Ang palagiang tanong ng country; super Utusan na lamang ba tayo ng mundo? Super mutchatcho/a, super aliping sagigilid? Wala na bang ni katiting na kategoryang masarap-sarap pakinggan para sa ating mga kabayan nag-OFW? Eto na lang ba ang accomplishment, ang achievement, ang ipagmamalaki ng ating mga namumuno (pulitiko) sa bansa? Dito na lmang ba tayo umaasa, eto na lamang ba ang alam ng gubyernong patakarang pangkabuhayan magsasalba ng ating ekonomya, ng kahirapan ng mga Pilipino?
Sapagkat sila ang bumubuhay ng ating ekonomya, nagagawa n'yo pang LOKOHIN at utuin ang ating OFW na sila'y mga “bayaning buhay” na ang katumbas ay si Rizal, Bonifacio? naman, naman, naman, ang kakapal n'yo!
Ni wala sa guni-guni nating mga Pinoy na hahantong tayo, makakarating tayo, aabot tayo sa ganitong pangyayaring kahiya-hiya, babaligtad ang mundo at tayo na ang papapel (OFW) bilang Utusan o chimay ng mundo. Dati rati'y tayo ang nilulusob ng mga karatig bansa (Japanese, Chinese, Koriano, Indonesian) para magtrabaho sa bansa natin, may limang (5t) dekada na ang nakalipas?
Sobra ng pag-aalipusta't napakababa na ang turing, ang tingin ng mundo,ang persepsyon sa atin ng mundo; validictorian sa pangungurakot, champion tayo sa child labor prctices, pinaka-malala tayo sa paglabag ng karapatang pantao sa Asia, ginagawa tayong basurahan at ukay-ukay ng mundo, isa tayo sa nangunguna sa mundo na ang pangunahing industriya ay ang pagluluwas ng chimay, prostitute at katagang gamit sa diksyunaryo ng Filipina ay KATULONG!
Mayroon pa bang ipagmamalaki, may mukha paba si Ate Glo (kung sa bagay, nagmu-mukhang chimay) at ang palasyo-DFA na humarap bilang mga kinatawan tuwing may mga gatherings, pagtitipun (UN) at sa mga konperensyang pandaigdigang dinadaluhan ng ating mga pulitiko?
Kailan magwawakas ang deka-dekadang pasang kruz na taglay ng mga Pinoy na magluwas at patuloy na mag-export ng Utusan, ng chimay? Kailan magwawakas ang pala-asa (dependency) ng ating ekonomya sa DOLYAR na nagmula sa dugo't pawis, nahihita't pinadadala bilang remitances ng ating mga kababayan bilang mga chimay?
TOTOONG mayaman nga tayo sa “super”. Super TANGA, super gago, super siRAULo, super PRANING, super sa kabobohan, super sa KATARANTADUHAN, super kayabangan lalo na sa iligal na nag-uukupa diyan sa palasyo.
Kailan darating, kailan at anong henerasyon matitikman ng bansang Pilipinas ang “super economy”, ang super economic growth ng GNP dahil sa super buhay na industriya, super bilis ng pag-unlad ng ating super manufacturing industry na super trabahong ibinibigay, idinudulot nito? Kailan pa darating ang super governance na sasawata sa matagal ng suliranin ng pangungurakot at katiwalian?
Doy Cinco / IPD
August 5, 2006
http://doycinco.blogspot.com/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment