Sunday, August 06, 2006

Mananagot ng malaki ang Malakanyang kung may MAMATAY na OFW sa Gitnang Silangan

MANANAGOT ng MALAKI ang MALAKANYANG, si Bush at Zionist Israel KUNG MAY MAMATAY, MAPAHAMAK na mga OFW sa Gitnang Silangan.

Patuloy ang karumaldumal, brutal, marahas at rasismong panloloob at agresyon ng Zionistang Israel sa Lebanon at Gaza. Maliban sa mahigit na 30,000 OFW ang patuloy na nagdurusa at napipirwisyo sa kabuhayan, hindi alintana nito ang mahigit isang milyong napapariwarang mamamayan, sinirang mga mahahalagang inprastruktura, walang pasing-tabi sa mahigit isang libong mamamayang (3,000) na karamiha'y bata, matandang Palistino at Lebanese ang namatay sa digmaan.

Lehitimong nakikibaka ang Hizbolla at Hamas para sa kalayaan, soberanya, pagpapasya at pagtatanggol ng lupang tinubuan. Walang basehan ang pananalakay na isinasagawa ng Zionistang Israel, ang US at ng Britanya. Bukod sa halal at may kinatawan ito sa parliamento, sa kabuuan, bahagi at kaparte ng Lebanon bilang isang nasyon ang Hizbolla.

Hindi siya isang teroristang organisasyong may ugnayan kay Bin Laden at sa Al Queda. Isa siyang KILUSAN, isang lehitimong Political Party, hinalal at may maliwanag plataporma't constituencies ng mamamayang Lebanese. Malaki at patuloy na umaani ng malaking suporta ng gubyernong Lebanon ang Hizbolla. Higit sa lahat, mataas ang presitihiyo't tiwala ng Arab countries, mga bansang Walang Pinapanigan sa grupong Hizbolla.

Ang walang pinapanigan, walang kamuang-muang na 30,000 OFW na ang hangad lamang ay maghanap buhay, layuning maibangon ang sariling pamilya pag-uwi sa Pilipinas, mga mamamayang Lebanese at daan-daang libong Kristiyanong manggagawa ng iba't-ibang bansa sa Ikatlong Daigdig ay garapalang piniperwisyo, nililigalig, tinatakot, sinasalanta at inaalisan ng kabuhayan ng Zionistang Israel.

Nasaan ang pondong P8.0 bilyon ng OFW? Bakit ayaw nitong humarap sa taumbayan, sa imbistigasyon sa Senado? Walang kaduda-dudang may itintagong kabalbalan ang OWWA, DFA at Malakanyang. Maraming alegasyon, maraming hinala at sariwa pa ang isyu ng fertilizer scam (P1.0 bilyon), ang PHILHEALTH card na nagkakahalaga ng P2.8 bilyong ginamit bilang campaign fund sa 2004 presidential election.

Malinaw na nilabag ang mandatong batas ng OWWA. Mananagot ng malaki ang Malakanyang, si Bush at Zionist Israel kung may mamatay, mapahamak na mga OFW sa Gitnang Silangan.


(si Flor Contemplacion ay isang Filipina Domestic helper na walang awang binitay ng gubyernong Singapore sa salang pagpatay (murder) nuong March 17, 1995. Dahil sa insidente, lubhang naapektuhan at nadungisan ang relasyon ng Pilipinas at Singapore.

Sa oras ng bitayan, may mahigit isang milyong Pilipino ang nagtirik ng kandila para sa suporta kay Flor. Nang umiwing bankay, may ilang milyon rin ang sumalubong at nagprotesta.

Ang tanong na lang, ang hamon ngayon sa mamamayan at sa lahat ng klaseng KILUSANG Demokratiko sa bansa, kaya bang maulit ang mainit, ang nagbabagang lupa, ang makasaysayang suporta't pagdadalamhati ng mamamayang Pilipino sa trahedyang kinahinatnan ni FLOR CONTEMPLACION may isang dekada na ang lumipas?)

Ano ang iniwang ARAL ng trahedya ni Flor Contemplacion (hindi pa rin natuto?)

Una; mas lalong luminaw sa country na walang maayos na programang pangkaunlaran (industrial plan/macro, micro) ang gubyernong Pilipinas. Hindi totoong umaangat ang ekonomya't kaunlaran. Ang totoo, papaatras ang pag-asenso, laganap ang pangungurakot, katiwalian at kawalan ng oportunidad ng mga Pinoy sa sariling bayan kaya tumatakas at nag-aalsa balutan sa ibayong dagat.

Pangalawa; nailantad ang kalunus-lunos, ang kaapihan, ang pang-aabuso, ang pagsasa- mantala at ang karumal-dumal na kalagayan ng mga Filipinang Domestic Helper sa buong mundo.

Pangatlo, naalisan ng maskara ang OWWA-DFA-gubyerno Pilipinas sa usapin ng pagkalinga't kapakanan ng OFW. Imbis na tulungan, suportahan, manindigan, presyurin at putulin ang diplomatikong ugnayan ng gubyernong Pilipinas sa bansang Singapore, umurong ang buntot, nanaig ang DOLYAR, hinayaan nitong mabitay ang aba, ang kaawa-awa at ang walang kasalanang Domestic Helper.)



Doy Cinco / IPD
August 7, 2006

No comments: