Mas mahirap paniwalaan ng isang libong beses ang “sampung linggong” taning (10 weeks deadline, meaning by October '06) ni Ate Glo na resolbahin ang kaso ng extra-judicial political killings na patuloy na nagaganap sa ating bansa. Parang sinasabi, na ang magbabantay ng sisiw ay Lawin, ang pusa ang naatasang mangangalaga sa mga bubwit, ang Tigre ang pangunahing nautusang mangangasiwa sa kapanatagan at proteksyon ng Usa? Naman, naman, naman.
Mas kapani-paniwalang moro-moro at "fall guys, sacrificial lamb" ang inaasahang ihahalera nila sa media at ito naman ang talamak na track record ng PNP at AFP. Babalik sa usapin ng pagtitiwala, kredibilidad at lokohan. Ika nga, walang dudang bantay salakay ito.
Una, hindi pa nagsisimula ang kampanya, abswelto na agad si GMA at si Palparan! Binura sa langit ang kalakarang commander in chief, ang command responsibility at ang usapin ng accountability at responsibility.
Ayon sa dating Senador at ambasador na si Ernie Maceda;
Fact One — Lumalaki ang bilang ng mga aktibistang napapatay at nadudukut sa mga lugar (Mindoro, Samar at ngayo'y Central Luzon) na naka-assigned si Gen. Palparan.
Fact Two —Walang isinagawang pormal na inbestigasyon ang AFP sa mga akusasyong ipinukul ng mga kmag-anak ng biktima at Human Rights Organization kay Palparan kahit nuong siya pa'y Koronel sa Mindoro. On the contrary, pinapurian at itinalaga pa sa magagandang trabaho't posisyon. Posisyong pamumuno sa contingeng ng bansa sa bansang Iraq. Napromote pa mula Brigadier General patungo sa Major General.
Fact Three — totoong may (kunwaring) local police na nag-imbistiga. Kung maramihan at magkakasunud ang pagpatay, papasok (kunwari) sa eksena ang provincial director at regional director. Sa loob ng limang (5) taon paulit-ulit na inbistigasyon ng pagpatay, walang naisagawang seryosong imbistigasyon ang kapulisan. Sa itinatag na "Task Force Usig" ng PNP, hanggang sa kasalukuyan, walang malinaw, walang resulta o findings, walang output ang mga ito.
Fact Four — sa mga aktibistang pinapatawag o iniimbita, walang pamilya o kasamang abugado ang napapaabutan ng inpormasyon. Kadasa'y nawawala na lamang na parang bula ang mga ito. Ganito ang kinahinatnan ng dalawang babaing UP studyanteng dinukut sa Hagonoy, Bulacan.
Fact Five — ultimo mga lokal na awtoridad o ang Gobernador ng Bulacan na si Gov Jose de la Cruz ang mismong nakatukuy, nakakilala na ang salarin ay mga sundalong kabilang kay Palparan.
Fact Six — kung kailan umabot sa pitong daan (717) ang napapatay ayon sa iniulat ng Amnesty International, ngayon lamang nataranta't kara-karakang mag-iimbistiga ang gubyernong GMA.
Fact Seven — may mahigit kalahating libong Vigilante group ang namamayagpag sa lunsod ng Cebu at Davao.
Ang bottom line —ang pagpatay at pagdukut ay nagpapatuloy. Sa kabila ng matinding preassure, outcry at panawagan ng buong mundo, si GMA, Secretary Ronaldo Puno, Secretary Avelino Cruz, Ermita, Gen. Hermogenes Esperon, General Romeo Tolentino, General Palparan ay halos patay malisya at nagbibingi-bingihan.
Maliwanag pa sa sikat ng araw na isa itong kaso ng state- sponsored killings ng political activists, lalo na sa mga hayag na kilusang masa ng CPP-NDF. Ayon sa Batasan six at Prof Miriam Ferrer, malinaw na may basbas ito mula sa itaas, malinaw na bahagi ito ng isang pambansang patakaran na sa loob ng dalawa hanggang tatlong (2-3 years) taon, uubusin, titiris-tirisin at dudurugin ang kilusang komunismo sa bansa.
Pangalawa, agad itinuturo sa CPP-NPA ang sunud-sunud na political killings. Bahagi raw ito ng internal purging sa loob ng kilusan may ilan dekda na ang nkalipas. Paano maisisiguro ang pantay, impartial, walang pinapanigang isasagawang imbistigasyon kung ang concerns na ahensya ng gubyerno ay sa simula pa lang ay sagad-sagaring anti- komunista (DOJ-siRAUlo, NSA-Saging, AFP, PNP).
Pangatlo, kung hindi makikipag-cooperate, na sa mga kamay ng mga kamag-anak ng biktima ang susi ng ikatagumpay ng kampanya.
Ayon kay siRaulo ng DOJ, kung sakaling hindi magtagumpay ang kampanya, walang ibang dapat sisihin kundi ang mga kamag-anak pa daw ng mga biktima? Paano naman pagkakatiwalaan ng mga kamag-anak ng biktima ang PNP at AFP kung sila mismo ang isa sa pinaghihinalaan at itinuturo sa pananalbage (salvaging) ng mga aktibista.
Kung ihahalintulad natin sa isang ginahasa at isang rapist, parang lumalabas na kasalanan pa ng isang dalaginding kung bakit siya ginahasa! Kasalanan ng isang USA kung bakit siya lumapit sa isang Tigre? Naman, naman, naman...
Kamakailan lamang, napabilang ang Pilipinas sa 47 bansang bumubuo ng United Nation Human Rights Council. Ipinagmalaki pa natin ang demokratikong rebolusyon nuong Edsa 1 at 2. Kung saka-sakali, kung hindi agad mareresolba ang isyu human rights- political killings sa bansa, malalagay sa kahiya-hiyang sitwasyon si Ate Glo.
Kung gusto ng Malakanyang na maitaas ang pagtitiwala at kredibilidad ng country sa itinayong “Task Force Usig”, MADALI lamang! Una; Sampolan, imbistigahan at arestuhin nila si Gen Palparan at patunayan nitong hindi siya kasangkot at walang kinalaman sa maraming pagpatay ng mga militante at mamamahayag sa rehiyon ng Gitanang Luzon. Hindi yung ang burden of proof ay manggagaling pa sa mga kamag-anak.
Pangalawa; magkaroon ng joint panel o task force na hindi purong mga pulis at sundalo ang kakatawan, bagkus mga civil society group na binubuo ng mga human rights organization sa hanay ng NGOs.
Pangatlo; ire-channel ng Malakanyang ang isang bilyong pisong badget ng PNP-AFPlaban sa Kilusang Komunista sa kampanya laban sa mga salarin, bayad damyos sa mga nabiktima at para sa Human Right Commission (HRC). Ang P50,000 hanggang P100,000 reward sa mga makapagtuturo ng salarin ng PNP ay pagkakaperahan at mauuwi lamang sa wala.
Kung ang pinagkukutaan ng Magdalo-junior officers ay natumbok ng PNP, yung pang “death squad / black army na aali-aligid lamang sa tongki ng Malakanyang?
Alam ng lahat na nasa isang hayag-tagong silid o war rooms lamang ng Malakanyang isinagawa ang command conference ng political killings. May tantyang hiwalay na istruktura at piling anti-komunista ng palasyo ang kabilang sa mga ULO't promotor nito. Naman, naman, naman... mas masahol pa pala ang gubyernong Macapagal Arroyo sa diktadurang Marcos (na siya ngayong direksyon ng gubyernong GMA) may dalawang dekada na ang nakaraan.
Nangangampanya tayo sa demokratisasyon ng bansang Burma at North Korea, mas maayos pa pala ang demokrasya dun kaysa sa atin!
Doy Cinco / IPD
July 3, 2006
The reign of criminals and outlaws
Editorial
‘Using Gonzales’ principle of symmetry, let’s treat him and everybody in the Executive, beginning with Gloria Arroyo, as criminals and outlaws.’
Communist rebels killed over a thousand people from 2000 to March 2006. To be precise, they killed 1,227 people, mostly civilians, in 1,130 "liquidation" missions carried out during the period, according to military statistics cited by national security adviser Norberto Gonzales.
In comparison, the human rights group Karapatan listed 717 militants killed by suspected members of security forces since 2001, also according to Gonzales.
Gonzales did not categorically draw any conclusion from the comparison. But the implied message is the alleged violations of human rights by government forces pale in comparison to the abuses of the communist rebels.
Let’s give the devil a run for his money and further go along with Gonzales’ statistics. Of the 1,227 people killed by rebels, 384 were soldiers, policemen and intelligence operatives. That leaves 843 civilian victims. He said of the civilian killings, 320 could be considered in pursuit of political objectives as the victims were suspected government informants and rebel "returnees." So that leaves a remainder of 623 killings which presumably were done not in pursuit of rebel objectives.
We have now – surprise! – a near parity of unjustified killings by both the rebels with 623 and by the government with 717. What is the conclusion then? That both government and rebel hands are stained with the blood of the innocent?
If that’s the message that Gonzales wants to deliver, then he’s more than unfit to serve in government, especially in such a sensitive position as national security adviser.
The members of the Communist Party of the Philippines-New People’s Army are by definition rebels. They are insurgents, insurrectionists and terrorists and as such are criminals and outlaws.
Members of security forces, on the other hand, are agents of the state. They are supposed to uphold the law and secure the safety of the citizens.
This distinction is the reason rebel and insurgent groups cannot be considered as capable of committing human rights violations despite their depredations. Only the government, as the protector of the citizens and as the institution that enjoys a legally sanctioned monopoly over the instruments of violence, can formally be accused of human rights violations.
But if Gonzales wants the administration’s actions to be subjected to the same standards as those applying to those of the rebels, who are we to dispute him?
He is after all serving an illegitimate government. By all means, using Gonzales’ principle of symmetry, let’s treat him and everybody in the Executive, beginning with Gloria Arroyo, as criminals and outlaws.
http://www.malaya.com.ph/aug10/edit.htm
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment