Matapos ang ilang buwang “pananahimik, paglay-low”, sa kabila ng pinagmamalaki nitong nahinto raw at crackdown, muling nabuhay, lumakas, at LUMALAKAS pang lalo ang weteng sa apat na SUPER REGIONs na ini-envision sa SONA ni Ate Glo; Northern Luzon, NCR at Southern Luzon, Visayas at Mindanao. Mula sa lugar ni Chabit Singson sa Ilocos, ang teritoryo ni Bong Pineda sa Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Quezon at Camarines Sur, Visayas at Mindanao
Ayon kay Sen Pimentel, may basbas, may pahintulot at may memo mula sa ITAAS, tungo sa baba, sa mga local police commander ang resumption ng weteng operation sa mga regions. Minanduhan ang mga ito na magdahan-dahan, gumawa ng gimik, 'wag magseryoso, mag-alibay muna at mag-easy-easy sa kampanya laban sa iligal na sugal na Weteng.
Ngayon natin mapupwerbahan, mapapatunayan, maibabalik ang pagtitiwala't kredibilidad ng country, makikitaan ng GILAS ang Deputy Director General Avelino Razon, tumatayong kumander ng Task Force Usig at kasalukuyang deputy chief administration ng PNP kung uusigin nito ang weteng at mga criminal elements sa bansa.
Kung ako kay Razon, upang hindi mapulaanan ng country, mas mainam na iwasan muna nitong magpagamit bilang pawn, lalo na ang isang ALE na patuloy na iligal na nag-uukupa sa Malakanyang. Sapagkat mataas ang kawalan ng pagtitiwala ng country, anumang itayo, (task force) o iproyekto ng palasyo, 'di nawawalan ng pagdududa ang mamamayan. Mas makabubuti para kay Razon na iwasan ang pusoy sa counter insurgency at inbestigasyon isasagawa hinggil sa politicl kiliings.
Mas makakatulong kung ipapaubaya na lamang nito sa grupo ng INTERNATIONAL FACT- FINDING TEAM ang pag-i-inbistiga sa insidente ng mga political killings. Mas nababagay at inaasahan kay Razon ang pagpapakita ng kagitingan at kabayanihan sa pagtugis at pag-usig sa mga kriminal na elemento ng bansa.
Walang dudang mas kakikitaan ng output si Razon kung babaguhin nito ang direksyon at layunin ng Task Force Usig na ikunsentra na lamang ang atake, ang crackdown sa mga prostitution lords, drug lords, akyat bahay gang, carnapping lords, smuggling lords, kotong cops, lalong lalo na't higit sa lahat ang WETENG LORDS!!!!
Doy Cinco / IPD
August 8, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment