Monday, August 21, 2006

"Infiltrated na ng mga Komunista ang Media!" Matagal na!

"Infiltrated na raw ng mgkomunista ang Media", ang sabi ni Norbertor “Saging” Gonzales, National Security Adviser ni Ate Glo nung press con sa Sulo Hotel, QC., kahapon.

“TANGA”, hindi na balita yan! Ang balita, ang (broadcast) headline, ang nakaka- pagtaka ay kung wala, kung zero, kung walang narerekrut magpanhanggang ngayon sa hanay ng mass media ang mga komunista, yan ANG BALITA, yan ANG HEADLINE? Kung gusto mong makakita ng maraming komunista SAGING, sa UP (acadecians o students leader), sa U-Belt area, sa NGO community, sa sektor ng simbahan o sa hanay ng civil society, marami kang matatagpuan!

Para sa kabatiran mo, kahit pa nung panahon ni Magsaysay kung saan ay ipinagba- bawal sa batas ang pagiging kumunista ay laganap na, ngayon pa kaya!! Ano yan SAGING, propaganda lang, bagong analysis o bagong tuklas?

Kung bagong tuklas yan o analysis, NAKAKAHIYA, ang engot naman, ngayon mo lang nabalitaan yan! Kawawa naman si Ate Glo, kaya pala sumasablay sa kapopropa, puro TANGA pala ang mga naging adviser! Sa sitwasyon natin ngayon, hindi nakakapag- takang mayroon ng mga komunista sa mass media, mas lalo pa ngayon na kung saan ligal na at ang batas RA 1700 (anti-subversion law) ay hindi na ipinagbabawal ang pagiging miembro, kabilang o pagiging isang (partido) komunista, as long as hindi ka nananawagan at humahawak ng armas para ibagsak ang gubyerno.

Ngayon kung binabalak ni SAGING Gonzales, ni Ate Glo, ng Malakanyang na i-repeal, tanggalin ang RA 1700, tru CHA CHA, (isang bangungut) balik tayo sa 1950s-cold war era- witch hunting, balik tayo sa "banana republic", kenkoyan na naman tayo!

Nagbago na ang mundo! SHOWBIZ na ngayon ang pagiging komunista. Ang daming T-shirt ngayon ni Mao, ni Che Guevarra at mga markings ng Maso't Karet na nabibili ngayon at mabiling-mabili ngayon sa SM Mall, sa bangketa! Iniidolo ngayon si Fidel Castro ng Cuba, ang China at komunistang si Ho Chi Mihn ng Vietnam at nalagpasan na tayo ng komunistang Vietnam sa lahat ng bagay!

Ang isa pang dapat mong malaman, may dynamics, broad at malapad ang kilusang komunista sa Pilipinas (mahigit kumulang na 10 factions lahat)! Mula sa CPP-NPA hanggang sa partido n'yo ni Fr Intengan na anti-komunistang 'di manalo-nalo sa Party List election! May MAOIST, may Leninista, may anarkista, may simpleng Marxista, may Soc Dem, may Independent na mga Kaliwa at many, many more! “Huwag kang TATANGA-TANGA, SAGING”. Mag security (blue guard) guard ka nalang kaya sa IPD?


Doy Cinco / IPD
August 22, 2006

No comments: