“Bakit namin sila bibigyan ng pondo (pork barrel), in the first place hindi nila nire-recognized ang Presidente, in the second place, gusto nilang ma-oust ang presidente!” - Sec Mike Defensor. (station ID ng ABS CBN News Network – ANC). Super-super astig at grabeng kayabangan ang ipinakita't pagpapahayag nito! Weather-weather na lamang talaga tayo??
Simple lang ang ibig sabihin nito; kung ika'y isang oposisyon o kabilang sa mga aktibistang kinatawan sa Tongreso, kabilang sa pro-impeachment, kasama sa kritiko't bumabatikos sa elihitimong nag-iiskwat sa Malakanyang, kabilang sa social movement, civil societies, kilusang demokratiko't mga militante, kasama ka sa nagra-rally at nagde-demo sa lansangan (parliament of the street) para sa katotohanan at sa mga isyu ng country, aba'y kahit CINCO wala kang matatanggap na PORK BARREL! Ganun talaga!
Ayon sa source, may inilabas na P15.0 milyon/Tongreso (neutral) bago magresume ang Kongreso. Yung iba dito ay nakatanggap ng P30.0 milyon. Inaasahang lalabas pa ang mga natitirang pondo pagkatapos maibasura ang impeachment. Normally, P40.0 milyon ang dapat matanggap ng lahat ng Kongresman (mapa-oposisyon o taga-administrasyon), kaya lang si Ate Glo na mismo ang nagre-release ng pondo (dumadaan sa kanya, personal na nag-aabot ng SARO, special allotment release order).
Ito ba ang kahulugan ng “tapusin na ang mga tunggalian sa pulitika, harapin na ang umuunlad na ekonomiya.....we have to move on, ang sabi ni Gloria sa nakaraang SONA.” Babrasuhin, ipagbabawal at buburahin sa mapa ang oposisyon? Na dapat maging maamong tupa, mabait, masunurin at maging tangang robot ang oposisyon.
Walang dudang ganito nga ang kalakarang pinaiiral ni Ate Glo at kanyang mga galamay, na ang mga hardcore na oposisyon ay dapat malusaw, ang siyang salot sa mundo, ang nanggugulo, ang terorista, ang lahat ng may kasalanan kung bakit lugmok, kung bakit lupaypay at kung bakit stagnant ang ekonomya't pag-unlad ng country!
Kung ginagago ang Kongreso, mukhang ganito na rin ang sitwasyon sa Korte Suprema at sa maraming institusyong itinalaga ng ating Constitution (Constitutional bodies- Comelec, Ombudsman atbapa)?
Ganito rin ba kalala, kalubha nuong panahon ni Mitra, panahon ni Manny Villar, sa panahon ni Tita Cory na kung saan, tinapak-tapakan na lamang, kinakaladkad palabas na lamang, parang batang binabatuk-batukan na lamang, ginagawang tanga, kinakawawa ang oposisyon, pinagdadamutan ng PORK BARREL? Kung luluhud ka naman sa Malakanyang para lamang sa pork barrel, lalabas na parang "may utang na loob ka't kahiya-hiya, at baka sumbatan ka to death ng mga baboy sa Tongreso!
Kung ang pahayag ni Ninyo Bonito Mike Defensor ay isa ng patakaran ng Estado,(tiranny of numbers), walang paggalang at pagrespeto sa demokratisasyon at sinasalaula ang Constitution ay lubahang nakakabahala. Ang Constitution ang nagtitiyak, naggagaran- tiya sa ating demokrasya, Constitution na nagsasaad na may hiwalay, na may check and balance ang bawat sangay ng estado ng Republika ng Pilipinas: Ehekutibo, Lehislatura't Hudikatura.
Umatras tayo, bumalik uli tayo sa patrimonial politics (authoritarian, patron-client relationship - academic terms) o ang tinatawag na personalistic ties ng mga traditional politicians -TRAPO, landlordism, guns, gold and goons! Balik sa dating gawi nuong panahon ng diktadurang Marcos na KBL controled Batasang Pambansa, cronies, padri-padrino!
Naghari ang elite, ang CASIQUE democracy at OLIGARCHY! What's happening to our beloved country? Matagal na nating inani't pinagtagumpayan ito nuong 1986 EDSA revolution!
Doy Cinco / IPD
August 19, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment