Muling nakiparte, nakisakay , naki-eksena ang Malakanyang sa panibagong yugto ng terorismo matapos ang nabulilyasong atake sa Heathrow Airport sa London. May panibagong dahilan na naman si Ate Glo upang muling isalang sa Tongreso at SENADO ang inaamag na “anti-terrorism bill” .
Isang nationwide security alert ang ipapatupad at isang miting-convention ng global anti-terrorism ang pagungunahang ii-sponsor ng Malakanyang para sawatain daw ang teroristang atake at posibleng spill over nito sa Pilipinas? Kailangan pa bang imemorya yan, bakit ba, para kanino, sino ang poprotektahan at babantayan, saan galing at sino ang apektado at nag-uutus? Sino nga ba talaga ang terorista, sino ang tunay na terorista ng country?
Mas asikasuhin n'yo muna ang 'Pinas bago ang iba! Ayusin n'yo muna ang malalang kalagayan ng kriminalidad sa buong bansa, resolbahin ang kaso ng 700 political killings, human rights violation at usigin ang lumalakas na WETENG sa buong kapuluan na garapalang pinatatakbo na ng iyong mga PULIS (PNP)! Unahin n'yo muna ang nanlulumong Strong Republic, tumitinding pangungurakot at masidhing kahirapang (kawalan ng hanap buhay) tinatamasa ng country. Ito ang sanhi, recruiter at pinag-uugatan ng terorismo ng country! 'Yan muna ang unahin bago yung agenda ni Bush (global anti-terrorism)!
Tulad ng dati, nag-oover acting (OA), papaypayan, mag-ke-create ng isang nakakatakot na invironment (senaryo ng pangamba) sa bansa ang Malakanyang. Sasamantalahin ang sunud-sunud na broadcast headline ng Cable News Network (CNN-US) at iba pang maka-Kanluraning pahayagan upang ibando at isulong ang “anti-terrorism bill” na kakaibang bersyon, ang layuning isalba (survival) ang ilihitimong nag-uukupa sa Malakanyang (Ate Glo), imarginalized ang kilusang demokratiko, durugin ang lehitomong oposisyon, puntiryahing ang hanay ng mga aktibista't militante.
Ayon kay Senador Nene Pimentel, "habang nananatili sa Malakanyang si Ate Glo, tulad ng Pipols initiative ni Gloria (PIG) malabong maipasa nila ang Anti-Terrorism bill dahil walang kaduda-dudang hindi sa mga tunay na terorista ito gagamitin." Sa isang panayam na lamang kahapon kay Ate Glo, hayagang sinabi nito na ang mga "leftist- TERRORIST" ang nasa likod daw ng IKALAWANG IMPEACHMENT na nakasalang ngayon sa Tongreso.
Super-super lapad at ang layo ng pagkakahambing! Sinong gago na namang spin doc ang nakapang-uto kay Ate Glo? Can you imagine, from Al Qaeda to Rep. Peter Cayetano ng United Opposition (UNO)! Meaning, from Bin Laden equals Abu Sayaff equals JI equals NPA, Bayan Muna equals Black and White Movement, from Akbayan at Laban ng Masa equals CBCP to legitimate united opposition (UNO) sa Tongreso, mga TERORISTA!
Sa totoo lang, siya mismo ang orihinal, ang tunay na terorista sa bansa. Napatunayan ito sa halos limang (5) taon niyang pamamayagpag sa kapangyarihan. Kahit 'di pa nga naipapasa ang batas, may de facto anti-terroristang patakarang ipinatutupad na ang Malakanyang laban sa mamamayan Pinoy, anu pa kaya kung makalusot na ito sa Senado, eh 'di talagang civil war na nga tayo!
Sa loob din ng limang taon sa trono, nagmistulang “killing fields” ang country (higit sa 2,000 aktibista't mga sundalo, kapwa Pilipino ang napapatay). Kaliwa't Kanan ang terorismo. Ang ESTADO na siyang dapat mangalaga at magpatupad ng “RULE of LAW” ang siya pang pangunahing lumalabag sa karapatang pantao (ginawang bayani, modelo at inaknoledge pa si Gen Palparan).
Ang Universal Declaration of Human rights ng United Nation at mismo ang sariling 1987 Constitution na naggagara-tiya sa kalayaan sa pamamahayag, pagkilos at pag- oorganisa ay niyurakan, binababoy at hindi kinilala!
Dahil sa Calibred Pre-emptive Response (CPR), 464, 1017 at GO #5, Emergency powers (state of national emergency), tinerorized at patuloy na tiniterorista (Palo Ng Palo- PNP ni Querol) ng Malakanyang ang mga oposisyon, rally at demonstrasyon. Itinuturing mga terorista ang matatahimik at lehitimong mga kilos protesta ng mamamayan. Nagawa pa nitong sabihing (siRAULo), “kung nuon, pupwede (pipol power, withdrawal of support at kung mananalo), ngayon, 'di na pupwede”! Mahirap talagang magkaroon ng Rule of Law sa isang BANANA REPUBLIC!
Hindi tayo papatulan at malabong targetin ng mga “international terrorist” (batay sa buguk na pananaw ng Malakanyang). Una; hindi nating inabuso, inapi, kinawawa't pinagsamatalahan ang mga MUSLIM sa kabuuan, lalo na ang mga Palestino't Lebanese sa Gitnang Silangan. Ang nakakaiyak, bilang Super Maids, biktima pa nga tayo ng pang-aabuso't kaapihan.
Ang alam nating maaring puntiryahin ng Al Qaeda ay si BUSH at si BLAIR ng Estados Unidos at Great Britain. Tone-tonelada ang bigat ng kasalanan ng US at UK sa mga Arab countries kung ikukumpara sa abang kalagayan ng Pilipinas na ang tanging kasalanan lamang ay madalas nauuto't nanlilimus ng abuloy sa gubyernong Amerikano (maisabatas ang Visiting Forces Agreement - VFA).
Para igalang at irespeto tayo ng MUNDO, simple lamang ang katugunan at hiling ng mamamayan Pilipino; Una; mangibabaw ang interest ng OFW sa Gitnang Silangan. Pangalawa; pumanig, humanay at makiisa sa mga bansang nakapaloob sa “Non-Alligned Movement (NAM), Organization of Islamic Country (OIC-'observer'status ang Pilipinas), tumalima sa mga patakarang pinagkaisahan ng ASEAN at katigan ang panawagan ng Vatican. Pangatlo; ikundina ang suporta't agapay ng US at Britanya sa walang habas na pag-uukupa, pagyurak, pang- aabuso, pang-aapi't pagsasamantala't malawakang pagdurug sa bansang Lebanon at Palestino ng Zionistang Israel. Pang-apat; panahon na upang pagnilay-nilayan ang ilang dekadang foreign policy ng Pilipinas (burikak) na nirere-echo lamang ng Malakanyang mula kay Uncle Sam.
Kaya't korek si Lanao del Sur Rep. Benasing Macarambon (pro-administration politicians) ng sabihin niyang "Hindi solusyon ang isang MAPANG-APING BATAS (ANTI- TERRORISM BILL)!"
Doy Cinco / IPD
August 13, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment