Saturday, August 12, 2006

Ano ang gagawin sa mga STREAMERS (tarpuline) ng Pulitiko sa kanto?

Hindi ko lang alam kung tama o masyado na tayong pikon, bad trip o desperado na sa mga demonyong pulitiko. Tama man ito o mali, matagal ko nang gustong proyektuhin ang pagbaklas ng mga political streamer (tarpuline) na parang kabuting paparami ng paparami habang papalapit na ang 2007, nakabitin sa halos lahat ng mga strategic na kanto, sa mga kawad, pader at sa mga lansangan o highways. Nakakapang-lupaypay talaga, parang nakikipag-kompetensya pa sa mga commercial ADS.

Sa mga pulitiko, ito raw ay pag-aanunsyo, pagbibigay mensahe at pagpapa-abot-alam na may ginagawa sila, buhay pa rin sila, na silay nagmamalasakit sa mga tao? Taran....tdo, mga TRAPO! Ang aga n'yong mamulitika, 'wag n'yo nga kaming pinagloloko!

Una, sa mga “proyekto na isinagawa raw ng mga PULITIKO na pawang mga INFRASTRUCTURE (waiting shed, tapal ispalto-overlay na good for 3 years lang) lamang. In the first place, kinurakot n'yo lamang 'yan at paano kayo nakakasiguro na kailangan nga ng tao ang mga proyektong 'yan, kinunsulta't pinulong n'yo ba ang komunidad?

Magsimula tayo kay Ate Glo: isang malaking mukha nito at 3 pang pulitiko na streamer- tarpuline ang nakabalagbag sa kahabaan ng Commonwealth Av. Sila raw ang may proyekto ng Road widining at pagpapaganda ng Commonwealth Av. Isang tarpuline (mukha) din ang makikita sa loob ng UP campus, proyektong Dormitory na hanggang ngayon ay di pa rin naookupahan ng mga bata.

Tong Nannete Daza (4rt District QC-last termer, pwede bang 'wag ka nang tumakbo?): di mabilang na Tarpuline (mukha)na nagsasaad ng kanyang accomplishment, ang pagpapatayo ng barangay Hall, sphalt overlaying, waiting shed, deepwell-poso, day care at ibang projects na dapat trabaho ng mga ehekutibo. Gumawa ng batas ang trabaho n'yo hindi POSO! Diyosko day, bwisit!

Tong Anna Susano (2nd District QC-1st termer): proyektong Maynilad water. Trabaho dapat ito ng isang Mayor at Barangay Captain! Ano na bang batas/bill ang nagawa mo? Sa District 4, pare-parehong mga pulitiko sa KONSEHO, Babes Malaya, Bong Suntay- District 4 at sa 3rd District ang matandang Defensor, ang tatay ni Mike. Ang ganitong larawan ay di lang sa QC makikita, laganap ito mula Appari hanggang Jolo,Mindanao.

Dito sa lunsod ng Quezon kung saan matatagpuan ang may pinakamalaking IRA at koleks- yon sa buwis, makikita rin ang may pinakamalaking squatter sa Pilipinas. Kaya tuloy; apat na distrito't tongrespipol, apat na pulitiko-TRAPO, apat na kurakot, apat na engot, apat na nakasukob sa palda ni Ate Glo. Minamalas talaga ang QC. Kailan pa kaya tayo magkakaroon ng AKTIBISTANG kinatawan sa distrito, maliban sa Party List?

Isa pa, hindi nila kwarta ang ginamit dito, sa anyo ng buwis, pera ito ng mga tao. Wala silang karapatang upang angkinin ang mga proyekto! Dapat nilang malaman na sila'y mga servants (tagapaglingkod) at hindi HARI. Pangalawa, ang mga streamers na PAGBATI kuno; “Congrat sa mga Newly Graduates, Happy Fiesta, Happy New Year, Happy Valentines" at iba pang mga propaganda gimmicks ay pagsasayang lamang ng pera ng country. Malinaw na electioneering at nagsisimula na nga ang pangangampanya para sa 2007. Isang maagang pamumulitika na dapat isuka at 'di iboto mamamayan.

May karapatan ang mga tao na sirain at tanggalin ang mga basurang yan! Hindi lang sa sinisira nito ang landscape ng kapaligiran ng komunidad, dinudumihan, binabastos ang intelehente ng country, nakakadistorbo, nakakapanglito, nakaka-distrack sa mga motorista at higit sa lahat, winawaldas nito ang salapi ng country.

Malayo pa lang, kita mo agad ang nakabalagbag na malaking mukha ng pulitiko sa kanto! Can you imagine na parang sila na lamang ang bida, parang sila ang tagapag-ligtas ng bansa, parang pinalalabas na malaki ang utang na loob ng mamamayan sa kanila at gusto pa atang palabasin na kung 'di dahil sa kanila, parang magmumukhang kawawa't, pinabayaan nila ang kanilang constituencies -botante? Ungas!

Ang totoo, mga pekeng kinatawan kayo ng mamamayan (pulitiko)! Kailan man, hindi kayo ang tunay na representate ng mamamayan. Ang totoo, kayo ang tunay na SALOT ng bayan, mga inutil at nagpahirap sa matagal na panahon (deka-dekada) sa country. Kailan ma'y hindi nakatikim ng tunay na demokrasya (dahil sa balota?) ang country.

Kasal, Binyag, Libing (KBL) lamang ang mga ito. Nanalo dahil sa pandaraya't maagang pamumulitika, namili ng boto at namigay ng noodles at expire na gamot, nailukluk dahil ginamitan ng electoral machinery at naki-sukub sa palda ni Ate Glo. Nailukluk dahil nakipagsabwatan sa COMELEC (Garci-election officials - vote buying) sa halagang P50.0/kada boto.

Kailan maipagbabawal ang pagkakabit ng mga STREAMERS? Ano ang gagawin natin sa mga STREAMERS, lalo na ang mga makikintab na tarpuline? Ngayon natin hinahamon si Bayani Fernando ng MMDA na pagbbaklasin niya ang mga STREAMERS na ito. Bukud sa marami ang kumita sa (bilyon) maanomalyang kontrata sa Automated Counting Machine (ACM) ng Comelec, ilan bilyung piso rin ang (libung class room din ang katumbas) nagagastos, nawawaldas dahil lamang sa walang kalatuy-latuy, tusu na propagandang "NAME RECALL" sa kada election! Kailan mababago at mairereporma ang mabantot, buluk at elitistang sistema ng election (Omnibus Election Code) sa bansa?

Siguro, sa mga nagmamaalasakit na (aktibong) mamamayan, kung may panahong pa tayong makapag-jogging (isang umaga), sungkitin, sirain, ibasura kahit dalawa man lang na streamers kada Linggo. Kung magagawa natin ito, palaga'y ko naman (mababaw man ang kaligayahan?), kahit paano, nakakapag-eduka't nakakatabla rin tayo sa mga pulitiku.


Doy Cinco / IPD
August 12, 2006

1 comment:

pinoy said...

sali ako dyan. kailangan talaga ng kampanya o kilusan na magbabawal sa mga streamer na yan.