Thursday, August 24, 2006

Double dead nga ang Impeach 2, supalpal naman ang Comelec's ACM!

Kung nailibing ng buhay sa Tongreso ang Impeachment 2 ('di na balita yan at inasahan na'yan ng country), katay, supalpal naman ang inabot ng Macalintal-Malakanyang- Comelec-Mega Pacific tandem sa Korte Suprema!

Ayon sa huling balita (kahapon, Aug 23), sa isang en banc resolusyon (11 pages), ibinasura ng SC ang petition at kahilingan ng abugado ng gubyernong si Romulo Macalintal na payagan ang Comelec at Dept of Science and Technology (DOST) na muling subukan, testingin sa harap ng media't taumbayan ang may 2,000 Automated Counting Machine (ACM) nabubuluk sa bodega ng Comelec. Hindi naman mga bata't tatanga-tanga ang mga nasa SC upang sang-ayunan si Makalintal at labagin ang mga naunang desisyon nito.

Bakit sobra atang ka-agresibo, pakialamero at kamalasakit ni MacaLINTAL sa ACM, Mega Pacific at Comelec? Sa ikinikilos nito, nabibisto tuloy na may kamay at ugnayan ang Malakanyang sa kaso ng ACM at Comelec. Abugado siya ni GMA at hindi ni Abalos at Mega Pacific. Nagdududa ang country, ilang milyon ba ang nasipsip na dugo ng Lintang ito?

Kung walang masusuhulan, babaligtad, kung walang magsisirko, kung hindi magHUHUDAS ang SC at Ombudswoman, walang dahilan upang hindi isunod sa kaso ang accountability ng mga may kagagawan sa karumaldumal na krimeng kurakot-anomalyang kontrata ng COMELEC, ACM at Mega Pacific.

Mahirap i-under estimate ang kampo't galamay ni Ate Glo. Hanggang huling sandali, muling gagamitin ng Malakanyang ang kanyg ALAS, ang lahat ng resources, ang lahat ng makinarya upang mapakinabangan sa 2007 election ang mga makina (naka-hacked?), muling makapandaya at ma-iligtas ang mga galamay-TUTA sa Comelec sa namimintong kahihiyan at kapahamakan.

Sa laki ng pinsalang maaring maidulot (pugut ulo) at bilyon pisong involved dito, madaling unawain kung bakit may mga sunud-sunud na paid AD, propaganda war machine (unknown- PR) tayong napapansin sa MASS MEDIA? Sa linyang “sayang kung di magagamit ang mga makina sa 2007 election,” walang dudang BUMABAHA ngayon ng milyun-milyong PAYOLA sa hanay ng ilang media practitioners, komentarista, TV host, TV Networks at ilang print-broadsheet na pahayagan pumapabor sa Comelec, Malakanyang at Mega Pacific.

Kung nais maibalik ang kredibilidad, pagtitiwala ng country sa Comelec, maibalik ang katiting na paghanga sa SC at Ombudswoman ang mamamayan, dalawa lamang ang kanyang pwedeng targetin ng SC bago mag 2007; una, panagutin, singilin, sibakin, pugutan ng ulo ang mga salarin, i-OVERHAUL (provincial, city level) ang buong institusyon ng Comelec at habulin ang mga Commissioner (Hello Garci contovercy) na kabilang sa pangungurakot! Pangalawa, marecover ng Solicitor General ang bilyong pisong nauna ng ibinayad ng Comelec sa Mega Pacific (MPC).

Nakakapanglupaypay, kawawa naman ang country sa 2007, dahil lamang sa isang institusyong (ginamit muna bago winarat at sinalaula) naglukluk ng pekeng presidente. Maliban sa matutuwa't kikita nnaman ang mga sindikato't mga operador sa halalan, dating gawi, madilim, patayan at magiging mas magulo ang manu-manung bilangan sa 2007 election, kung matutuloy?


Doy Cinco / IPD
August 24, 2006

No comments: