Bihi-bihira lamang ako manuod ng pelikulang Pilipino (taunan pa nga minsan), mga isang beses o baka wala pa nga! Ang siste kasi, kung hindi umaatikabong mga sampalan, suntukan (violence), OA, iyakan – luhaan, corning loving-loving, sumbatan, kasawian, luxurious na pamumuhay-kaginhawaan, nakaka-bad trip at walang kalatuy- latuy!
Pero, 'di naming pinaligtas panuurin at isingit sa masalimuot na iskedyul ang pelikulang KUBRADOR. Tungkol kasi ito sa isang kubrador ng weteng na babaeng kinatauhan ni Amelita (Gina Pareno). Ipinapakita, inilalarawang mensahwe ng pelikula ang tunay na kalagayan-konteksto (hindi lamang sa isang buhay kubrador) ng country, ng ating lipunang punong puno ng mga katanungan; ang matinding karalitaan, (urban poor area, shoot sa Botocan area, near Cruz na Ligas, QC), ang inhustiya't katarungan, ang matira ang matibay (survival), ang imoralidad, ang pamahiing taglay ng bawat tao (kulturang malas-swerte) at ang papel ng PANGUNGURAKOT- korupsyong (awtoridad) nakatanim ng malalim sa ating bansa.
Hindi man ito bumenta sa takilya, marami itong INANING awards sa pandaigdigang kompetisyon, mga film festival (abroad). Bukud sa isang major awards na pinanaluhan Best Film, Best Actress, Best Director at Best Picture mula sa International Critics Jury Fipresci Award, sa 8th OSIAN Cine Fan Festival of Asian Cinema (New Delhi, India), Best FILM sa kompetisyon sa International Critics Jury Fipresci Award sa 28th Moscow International Film Festival (Russia).
Hindi lang yan mga kapatid, global ang dating! Pinanood din ang pelikulang Kubrador sa 11th Pusan International Film Festival (S. Korea), 26th Hawaii International Film Festival, 30th Sao Paulo International Film Festival (Brazil), 27th Thessaloniki International Film Festival (Greece), 37th Vancouver International Film Festival at Toronto Film Festival (Canada).
Kung palabas pa, try KUBRADOR? Ang nakakalungkot, ang shocking, (bukud sa P91.00 / na pala ang bayad sa sine) NILANGAW, inamag-kaunti lamang ang nanuod! Sa aking na-obserbasyon, ilang intelekwal at mga pulu-pulutong na mga istudyanteng na sa tingin ko'y naubligang magsagawa ng report (critique) at tila may kaugnayan sa kanilang kurso, ang mga nakita ko. Mukhang nakakabahala, hindi lang sa mga botanteng (intelegent voters) Pinoy, mukhang malala na rin ang krisis sa level ng kultura't kaalaman? Ewan ko, 'wag naman sana.
Sana 'di kayo mabitin. Nakakapanghinayan lang kung 'di natin mapanood!
Doy Cinco / IPD
August 23, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
kobe 11
nike air max 2019
jordan shoes
nike air max 97
kevin durant shoes
supreme
coach outlet online
yeezy shoes
hermes handbags
valentino shoes
go to this website hop over to this website visit the website visit this website more tips here why not try this out
Post a Comment