Ano ba talaga ang nasa likod ng Pipol Inistiatives at Cha cha? Sino ba talaga ang mastermind, ang nasa likod ng Pipol Inistiatives? Sino ba ang makikinabang sa pagababago ng sistema (kung may pagbabago nga), ang mamamayang Pinoy o ang kasalukuyang nakalukluk sa Malakanyang? Babalatuhan ba, aambunan ba ng kaginhawaan ang tao, si Mang Pandoy, si Mang Juan at si Aling Amelita (Kubrador)?
Batay sa paulit-ulit na propaganda; "Uunlad tayo (let's move on) sa sistemang Parliamento. Wawakasan daw nito ang Oligarkiya na idinulut ng sistemang presidential sa bansa. Matitigil ang Senate(Legislative)-Executive gridlocks. Mawawala na ang konsentrasyon ng pag-unlad sa Imperial Manila."
"May malakas na mekanismo raw ang sistemg parliament na magtanggal ng pamunuan sa gubyerno at magpakulong ng mga may katiwalian at nangurakot. Matitigil ang pamumulitika sa gubyerno. Huhusay ang Hustisya. Magkaroon tayo ng isang responsible na Oposisyon. Patatagin ang sistema ng accountability (pananagutan), palalakasin ang transparency, patitingkarin at isusulong ang interest ng mamamayan."
Huwag n'yo nga kaming pinagloloko! Isang malakihang panlilinlang at mahirap paniwalaan ng isang libong beses, nangangarap ng gising na magkatotoo ang mga ito. Kung mananatili ang mahigit isang daang at siyamnapung (190) pulitiko sa parliamento, kung mananatili sa poder ang mga pagmumukha ni Tainga De Venecia, Pichay, ni Nograles, Villafuerte, Edcel Lagman, Dy, Ortega, Dimaporo, Apostol, Datumanong, Cojuanco, Abante jr, Antonino, Joson, Daza, Ecleo, Susano, mahigit isang daang iba pa at mga TRAPITONG nasa Liga ng mga Gobernador at Punong Lunsod at bayan (ULAP), walang kaduda-dudang mananatili, lalakas, dadami ang Oligarkiya, patron-client-patronage politics (padri-padrino), casique, warlordism, katiwalian at pangungurakot sa bansa.
Sinong maniniwalang matitigil ang pamumulitika, ang kaTRAPOhan sa bansa, kung ang mga dating partidong ala mafia, sindikato, barkadahan, mga pekeng partido (nabubuhay lamang sa tuwing may election) ay patuloy na MANANATILI't mamayagpag sa parliamento. Walang silbe ang pagpapalit ng sistema kung ang mga partidong tulad ng Lakas-CMD, Nationalist People's Coalition (PNC), Kampi, Nacionalista at Liberal (Atienza faction) ang siyang maghahari at patuloy na magiging laman ng ating SAMPLE BALLOT sa tuwing halalan. Ang mga partidong ito ang siyang naging breeding ground ng katiwalian at bad governance.
Huwag n'yo kaming goyoing uunlad ang 'Pinas sa ilalim ng sistemang Parliamento! Sampu (10) sa pinakamahirap, kapuspalad na bansa sa mundo (sabihing na nating mas mariwasa at angat tayo ng kaunti) tulad ng tatlong (3) bansa sa ASIA, ang Cambodia, Bangladesh at East Timor, dalawang (2) bansa sa Africa, Ethiopia at Lesotho sa S. Africa at apat (4) na bansang matatagpuan sa South Pacific Island ang Samoa, Solomon Island, Tuvalu at Vanuatu ay pawang mga Parliamentaryo ang sistema ng paggugubyerno! Halos kakambal natin, hindi nagkakalayo ang krisis na sinasapo ng mga ito sa krisis na kinakaharap natin dito.
Isang bangungut naman kung papangarapin ng Sigaw ng Bayan, Tainga't Ate Glo ang mga bansang super yaman tulad nitong apat na super yamang bansa sa Europa, ang Finland, Germany, Swizerland, Austria at Italy na pawang mga sistemang Parliamentaryo ang gamit. Ang USA ang kaisa-isang pinakamayaman at makapangyarihang bansang may tangan-tangan ng sistemang Presidential na siya namang kasalukuyang pinag-kopyaan ng sistema ng paggugubyerno ng Pilipinas.
Kung mananatiling nasa pwesto ang mga katulad ni siRAULong Gonzales ng DOJ, Norberto 'Saging' Gonzales ng seguridad at sasabihin n'yong iige ang sistema ng hustisya, magkakaroon ng responsible opposition ay isang malaking katatawanan. Wag n'yo ring sabihing mawawala na ang insureksyon at rebelyon, sapagkat nagpapatuloy ang madugong civil war sa Iraq kahit sinasabing may tunay na representasyon ang mamamayan sa Parliamento.
Sino nga ba ang mastermind, ang utak, ang talagang nagtutulak, ang nasa likod ng Pipol Inistiatives? Hindi Pipol, wala sa panig ng mamamayan bagkus ang Palasyo, si Ate Glo, Tainga't political elite ang siyang tunay na tunay na may inisyatiba ng Chacha. Palace Initiative ito at hindi People's Initiatives! Hindi hamak na magkaiba ang PULITIKO sa pipol. 'Wag n'yong sabihing "SIGAW kayo ng BAYAN" at ang interest ng Pipol ay kapareho ng pulitiko. Malayo! Pag-ibahin ninyo ang Mayor, ang Gobernador, at ang Tongresman sa mamamayang Pilipino.
Halimaw, demonyo, predator ang PULITIKO, samantalang biktima, ginahasa, pinag- nakawan, pinagkakitaan n'yo ang PIPOL! Simula't simula pa, nailukluk kayo, nahalal kayo sa mali, bastardaong pamamaraan ng buluk at elitistang sistema ng election. Namili kayo ng boto, nandaya (dagdag bawas), ginamitan ng makinarya, tumawag kayo kay GARCI, namigay kayo ng dilata't noodles at kapirasong bigas, tinakot, nilinlang n'yo ang tao, kinidnap n'yo, hinostage nyo, binaboy n'yo ang tao KAYA KAYO nanalo sa halalan.
Mga pekeng kintawan kayo ng mamamayan. 'Wag n'yong sabihin, tunay na representatibo kayo ng MASA! Mahiya kayo, hindi totoo yan. Kailanman, hindi n'yo ipinagtanggol, pinaglingkuran, pinagserbisyuhan ang inyong mga constituencies (botante). Kailanma'y hindi nakatikim ng tunay na demokrasya, na SIGAW, na boses ang PIPOL.
Maliwanag pa sa sikat ng araw na kasakiman sa kapangyarihan (power sharing within ELITE), magtagal sa pwesto't lumagpas hanggang 2010 at tuluyan ng burahin sa kasaysayan ng 'Pinas ang dayaan, ang bastusan, lokohan, linlangan, katiwalian, krimen sa country ni Ate Glo at kanyang mga alipores. Yung lang at wala ng iba pa!
Political survival para kay Ate Glo ang pakay ng cha cha, hindi economic and political reform, hindi rin ito survival ng mamamayang Pilipino o pipol sa tulad ng ipinopropaganda ng Malakanyang. Iwas pusoy ito sa rehas, sa seldang naghihintay kay Ate Glo, konsolidasyon ng elite at pwersa at durugin, tirisin, all out war, i-marginalized ang political opposition!
Nakapailalim sa disenyong ito ang maitim na balak na hadlangan at all cost ang posibleng landslide victory ng opposition sa 2007 election, makontrol muli ang Tongreso, ikumbert ito bilang Interim Parliament at sawatain ang patuluy na banta ng impeachment complaint ng kanyang mga kalaban.
Pare-pareho tayong naniniwala na totoong nasa malubhang kalagayan krisis ang bansa. Mahirap din sabihing sarado na tayo, ang country sa pagbabago. Alanganin din sabihing hindi makakatulong sa pag-unlad ng country ang Parliamentary System. Bilang advocates ng kaunlaran at demokrasya, may sampung taon ng ikinakampanya ng Institute (IPD) ang parliamenty shift na pagbabago ng paggugubyerno.
Kung tunay na pagbabago ang hanap, kung may natitira pang konsiensya't pagiging makabayan, kung tunay na kinatawan atrepresentasyon ang hanap natin, kung tunay at seryosong Constitutional at POLITICAL REFORM, demokratization ang hanap natin tungong Parliamentaryo, sa tingin ko Constitutional Convention (CONCON) ang daan, ang ruta hindi CON Ashole at Pipol Inisyatib.
Doy Cinco / IPD
August 28, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
doy, i think medyo negative naman mga iniisip mo.di naman siguro lahat ng pulitiko e ganun.anung gagawin natin!?tutunganga nalang?kelan tyo magbabago?i think lahat ng bagay e may positive at negative side."merong two sides ang coin!"depende nalang kung panu mo titingnan, at tiningnan mo yun sa negative side nya.marami din namang blessings ang parliamentary government.it only depends on the voting people.kung babaguhin ang konstitusyon natin pero di magbabago ang mga tao(magpapabayad parin ng boto at magwawalang bahala sa mga current issues),e tiyak di talaga magiging successful ang kahit anung form ng government maski anu pang ipalit natin.
[url=http://firgonbares.net/][img]http://firgonbares.net/img-add/euro2.jpg[/img][/url]
[b]production software academic, [url=http://firgonbares.net/]can i sell used software[/url]
[url=http://firgonbares.net/][/url] php store software web hosting reseller software
kaspersky review [url=http://firgonbares.net/]to buy spss software[/url] discount adobe software for
[url=http://firgonbares.net/]buy cheap adobe software[/url] pc software for sale
[url=http://firgonbares.net/]free software like adobe[/url] rs232 to filemaker pro
oem software on a [url=http://firgonbares.net/]adobe photoshop cs3 free trial[/b]
[p]Rakeback affiliate marketers are plainly to choose from recruiting [url=http://www.uggaustraliabootshotsale.co.uk]ugg australia boots sale[/url] gamers for that different on-line rooms . UGG Bailey Button boots are a very popular choice among people who love fashion . Are they optical lens to decide items or a fire wall versus the Ugg Boots or a match for all our clothing in the wardrobe Proper now we will need to confess that glasses are a lot more a symbol of model and culture than a instrument enabling us to decide the [url=http://www.uggbootsukonlinsale.co.uk]cheap ugg boots uk[/url] entire world much more clearly . But the [url=http://www.newcheapuggbootsau.co.uk]cheap ugg boots[/url] uggs clearance only matter we need to consider is to choose the right site to buy . There are some important things you need to keep in mind when [url=http://www.uggbootsukonlinsale.co.uk]cheap ugg boots online[/url] purchasing a pair of UGG boots . For the girls you will find some added entertaining looks like a "Fireworks" pattern - pastel streaming colors against a dark brown for an extremely [url=http://www.cheapuggboots4sale.co.uk]cheap ugg boots sale[/url] fashionable appear for small ones . The way to modify [url=http://www.cheapuggboots4sale.co.uk]cheap ugg boots sale uk
[/url] is actually to begin the process original,cheap ugg boots, SINCE.[/p]
These are actually impressive ideas in regarding blogging.
You have touched some nice points here. Any way keep up wrinting.
Feel free to visit my weblog ... new cellulite treatment
Post a Comment