PNP/AFP: Nag-imbento at may itinanim pa?
Sino ang mas may Kredibilidad? Kung anu-anong imbento na ang ibinalagbag laban sa Magdalo. Kesyo may plano raw itong pasabugin ang Batasang Complex sa susunod na Linggong parating, sa araw ng SONA ni Ate Glo, kesyo natagpuan nito ang 13-15 kilos ng TNT na sapat na raw upang waratin ang Batasan/ang Tongreso, may C4 at ilang granda. Ang tanong ngayon, bakit nuon pinagtatawanan ang firecracker at lebentador na nakumpiska ng PNP nuong may ilang pagsabog sa Kamaynilaan?
May panibagong idinagdag na inbensyon, bukud sa pagpapasabog daw ang Batasang Complex (unang paratang), plano rin pala daw ng Magdalo na ihostage ang lahat ng mambabatas, kasama ang maraming nagsasagawa ng kilos protesta. Una, ang tinawag nilang "OPLAN HUCKLE", ngayon naman "Oplan Hackle’s left-right-political opposition conspiracy!"
Kesyo si Lt San Juan ay nagsirko't bumaligtad na sa panig ng gubyerno ni Ate Glo, kesyo hinahabol pa ang ilang tagasuportador nitong mga pulitiko't sibilyan, kesyo, milyon-milyon ang budget ng Magdalo at ito'y tukoy na raw kung sino ang financier, kesyo "nasawata na ang banta at wala na raw mamnggugulo sa SONA at banta ng pagppbagsak sa gubyerno ni Ate Glo?" Kung totoo yan, bakit sa araw ng SONA 9,000 mga PNP ang magbabantay, para anu pa, eh di para sa mga militante.
Parang lumalabas na nagkakatugma-tugma ang timing ng operasyon at kumaklaro na muling gagamitin na naman excuse ang "Oplan Trident", ang PLOT ng rebeldeng sundalo upang katayin, tiris-tirisin, bugbugin at pasistahin ang mga matatahimik na kilos protesta't mga aktibista sa SONA. Ang malungkot, iugnay ang mga ito sa Magdalo at NPA, sa destbilization. Isang buluk, gasgas at lumang tugtuging istilong Marcos.
Kung ganito ng ganito na lamang parati, ay "mukhang dadami na nga ang mga simpatisador ng grupong Magdalo at dahil sa tindi ng lupit na pagtrato ng PNP-AFP sa mga Magdalo, baka magbumerang at MAAWA ang Pinoy, mapilitan na ngang totohanin ng Pinoy ang kampihn ang mga ito (sa isyo ng Illegitimacy ng gubyerno ni AZte Glo) to naman ang sinabi ni Cong Roilo Golez.
Sino ang maniniwalang masasawata na ng Malakanyang ang banta ng junior officers-Magdalo? Iresolba muna nito ang isyu ng "hello Garci, si Jocjoc Bolante at iba pang katiwalian bago ito bigyan ng papuri ng country, ibalik ang karapatan ng mamamayan na magtipun-tipon, mamahayag at kumilos ng malaya (demokrasya) sa bansa.
Para sa mamamayan, hindi ito isyu ng left-rights conspiracy kundi isyu ito ng survival ng demokrsya, ang isyu ng illegitimacy ng pangulo. Sa kanila, mas may kredibilidad, mas totoo, at nagdadala sa tunay na simtyemento ng country ang Magdalo kaysa sa mga PNP at AFP na punong-puno at balot ng katiwalian.
doy cinco
July 10, '06
Magdalo dadami ang sisimpatya
Ni REY MARFIL
Nagbabala kahapon ang dating National Security Adviser ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagdami ng mga makikisimpatiya sa mga miyembro ng rebeldeng sundalo, partikular sa hanay ng Magdalo gayundin sa grupo ni Army Brig. Gen. Danilo Lim.
Ayon kay ParaƱaque Rep. Roilo Golez, nagsilbi sa gabinete ni Arroyo bilang National Security Adviser sa loob ng tatlong taon, malalim ang problema sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at hindi aniya nagtatapos sa pagkakaaresto ng Magdalo soldiers ang ugat nito.
Gayunman, tumangging magbigay ng impormasyon si Golez kung gaano kalalim ang problema sa AFP subalit malaking epekto aniya ang nangyari sa grupo ni Lim at Magdalo soldiers kung saan maaaring makakuha ng simpatiya sa militar at maging sa taumbayan.
Isang nakakadismayang eksena, ayon kay Golez ang pagtrato ng gobyerno sa mga naarestong Magdalo soldiers at grupo ni Lim kung saan nagmukhang kawawa at lumalabas pang inaapi ng mga kampon ni Arroyo.
Kung pagbabatayan umano ang video footages sa lahat ng television station, maging ang mga kuha sa peryodiko, aping-api ang mga miyembro ng Magdalo kung saan walang pinag-iba sa mga kriminal nang ipresinta sa media.
Kasabay nito, pinayuhan ni Golez ang kanyang dating amo na ayusin sa lalong madaling panahon ang problema sa AFP at bigyan ng dignidad ang mga sundalong naaresto dahil naging bahagi rin ang mga ito para ipagtanggol ang gobyernong Arroyo.
"Hindi dapat nilalabas na inaapi, kasi nakakuha ng simpatiya. Iyon ang dapat maayos. Dapat bigyan ng dignidad si Danny Lim at ang Magdalo," ani Golez, Gayunman, ibinasura ni Golez, dating chairman ng House committee on public order and security, ang military intervention upang mapatalsik si Arroyo sa pwesto.
"Kahit kailan, sinasabi ko, ayaw ko ng military intervention kasi hindi magandang paraan ito para baguhin ang gobyerno. Meron tayong impeachment process na dapat sundin," paliwanag ni Golez bilang pagkontra sa kudeta at madugong pagpapatalsik kay Arroyo.
Samantala, pinag-iisipan ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na maliban sa kasong obstruction of justice for harboring fugitives ay sasampahan din ng kasong rebelyon si Atty. Christopher Belmonte na kasamang nahuli ng anim na miyembro ng rebeldeng Magdalo.
Ito ang sinabi ni PNP spokesman Sr. Supt. Samuel Pagdilao, kung saan masusing pinag-aaralan umano nila kung isasama ang kasong rebelyon laban kay Belmonte bunsod ng mga impormasyong kanilang nakalap.
Sa pagkakataong ito ay sisiguruhin umano ng PNP na hindi na makakapagpiyansa pa si Belmonte sa sandaling maisampa na ang kasong rebelyon laban dito. (With Noel Abuel)
http://www.abante-tonite.com/issue/july1006/main.htm
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment