Tataas na naman ang singil sa kuryente sa darating na buwan ng Setyembre. Ito ang masamang balita ng Napocor at Energy Regulatory Commission (ERC). Upang hindi masumbatan, mabulilyaso o maging kahiya-hiya ang kapana-panabik na “positibong lagay ng ekonomyang” (kuno) iuulat ng panglulo sa SONA sa July 24.
Pinalagpas lang ng ilang sandali, linggo, isang buwan at pinakawalan din agad ang halimaw na buwitreng lalaplap sa mamamayan, ang di makatarungang pagtaas ng kuryente. Malinaw na may sabwatan, koordinado, taymingan lang ang labanan at pinaglololoko lang tayo!
Anuman ang idahilan ng Napocor at ERC sa panibagong round of increase, kesyo dahil daw sa IPPs (GRAM), ang pagbaba ng piso sa dolyar, ang mga ginastos na generation rate adjustment mechanism (GRAM) at incremental currency exchange rate adjustment (ICERA) schemes ay sa totoo lang SIYA RIN MISMO ang may GAWA (pinagpapasok ang di pantay na mga agreement at katangahan sa konsepto ng sovereign guarantee).
Alam ng buong mundo na politically motivated, patronage at larong pulitika ang isa sa mga dahilan ng sunud-sunud na pagtaas ng koryente. Tiklop ang buntut ang Napocor, sunud-sunuran, sumusunod lamang sa utos ng Malakanyang, patnubay lamang ito sa patakarang sinusunod na (Batas) Epira Law at mga multi-lateral na ahensyang pinaglubugan at pinagkakautangan na 'di naman nating napakinabangan.
Sabihin na nating totoo ang mga kadahilanang (facts-mski dinuktor) binabggit ng sabwatang ERC at Napocor, ang tanong ng country, bakit hindi prinaprioridad, tintanggkilik, binibigyang pagpapahalaga' bigat ang sariling atin, ang sariling
nililikhang (alterntive-indigenous, non fossilized) enerhiyang nagmumula sa Hydro at Geothermal energy? Mas mura (cheap;50%) na nga ng kalahating porsiento, non- pollutants, renewable energy at mayorya nito ay kontrolado pa't pag-aari ng gubyerno.
Ang SAD and LONELY rito, halos 30 hanggang 40 % lamang ng mga kapasidad nito (GEOTHERMAL AT HYDRO) ang napapakinabangang ng bansa. Ang malaking bahagdang napro-produced na kuryente nito ay naitatapon lamang, haaaaaaaaaaaa.... SAYANG!
Ang isa pang SAD and LONELY, majority ng nabibili ng Napocor ay nanggagaling sa IPPs na sobra-sobra't mataas ang presyo at pag-aari ng mga Lopezes!
Ano ang epekto ng pagtaas ng kurkayente kay Juan ? Panibagong hirap, dalamhati't pasakit, hirap na mas malalala pa sa kahirapang idinulot ng mamamayang Pinoy nuong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WW2). Noodle na nga lang ang panalba sa araw-araw, ipagkakait pa ng gubyerno ni Ate Glo.
Paano na ang pag-aaral ni Totoy? Tuloy na't 'di na maawat ang pang-gabing trabaho, makapal na make-up, umuuwi ng umaga ni Nena. Paano na ang pamasadang jeep/taxi ni Mang Kulas, may matira pa kaya maiuuwing atik kay Manang Celia? Natanggal sa trabaho si Mang Juan, paano na ngon yan? Ang SAD and LONELY, mapapalaban na naman si Nena sa mga parukyano nitong mga SAKANG at Singaporian!
Dahil sa sobrang taas ng singil ng kuryente sa bansa, iwas pusoy ang mga namumuhunan dayuhan sa bansa. Pumapangatlo tayo sa Asia sa pinakamataas na singil ng kuryente.
Paano na ang nakatiwang-wang na mga pabrika sa kahabaan ng Quirino highway, North at South Expressway. Ilang milyong mamamayang, ilan bagong graduate ang mawalan ng trabaho.
Nagsisilipat at nag-iimpake na ang ilang industria natin sa Vietnam, Thailand at China. Mga karatig bansa natin ang siya ngayong namimiesta't dinudumog ng mga mamumuhunan Kapital ng mundo
Dapat mabusisi ng Senado ang anomalyang bumabalot sa Napocor at ERC at ang Epira Law na siyang bumalasubas sa industria ng Enerhiya. Ang tanong, iulat kaya ni Ate Glo sa SONA ang tunay na lagay ng karumaldumal na krimen ng Napocor-ERC at sektor ng enerhiya kay Mang Pandoy?
Doy Cinco / IPD
July 18, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment