Tuesday, July 04, 2006

PCGG: Inutil na ahensya

May ruling na ang US court na kahit partial ay bayaran na ang mahigit 7,500 biktima ng human rights abuses nung panahon ng Martial Law. Nagkakahala ito ng tag $ 2,000 bawat isa, mula sa dapat sana'y $10,000 nararapat na matanggap nito. Maliit na nga lang binbara pa, pinagmamadamot pa, pinagkakakitaan pa, binubulsa pa, tinatabo pa, dinodorobo pa ng Presidential Commission of Good Governance (PCGG) at Malakanyang.

Walang dahilan upang hindi tupdin ng PCGG at ng Malakanyang ang desisyon ni Judge Manuel Real ng US District Court sa Hawaii nung nakaraang Linggo. Compensation yan, bayad damyos yan, para sa mga biktima ng kalupitan yan. Dapat ikintal sa pagmumuka ni Abcede na walang makakapigil,walang makakahadlang, at walang dudang mapapasakanila sa mga biktima ang kabahagi ng pondong 'yan!

Sapagkat patuloy na hinaharang ng PCGG ang disisyon ng US Court, inanunsyo namang “NOTED na daw” ng Malakanyang sa pamamagitan ni Sec Eduardo Ermita na itulak na sa Kongreso ang "panukalang" (ilang attempt na yan,ang nakkalungkot, kinakatay ng palasyo yan) ihatag na ang bahaging pondo para sa mga biktima,mga pondong na-recover na ill-gotten wealth sa mga Marcoses. Kung kumbinsido na nga ang Malakanyang na partihan na ang mga biktima, bakit patuloy na binabara ito ng PCGG? I

Mag-dadalawang dekada na ang isyung ito at marami sa mga biktima ay halos uugud-ugud na't nangagmatay na. Magta-tatlumpong taon na rin ang PCGG at wala pa rin itong maayos,malinaw na nagagawa (nalilikom,naipagtatagumpayanan bilang ahensya) para sa Good governance.

Alam ba nila ang kahulugan ng good governance? Kailanma'y hindi nakitaang ng GOOD ang PCGG! Ni minsan wala itong naisagawang accounting, inbentaryo at suma total ng lahat ng kanilang pinaggagawa sa mga kumpanyang sinisquestered nito. Pawang nangagsara at nalugi ang malalaki at maliliit na kumpanyang (dummy ng mga Marcoses) kinontrol at hinawakan nito. Ang sigurado'r tiyak, ginawa lang gatasang baka ng mga galamay na abugado ng Palasyo ang PCGG!

Sa anyong panakip-butas na batas na “Agrarian Reform” (fertilizer scam), nagagamit ang ill-gotten wealth ng mga Marcos (P27 bilyon na nagmula sa $35 milyong Swiss deposit na naka-antabay na escrow sa Philippine National Bank), unti-unting kinukutkut at pinangsusuhol ng Malakanyang.

Kamakailan lamang, kung hindi lang naagapan (tumanggap ng matitinding puna, batikos ng mga mambabatas), sa utus ng Palasyo, tinangka ng PCGG-Abcede na nakipag-cashunduan (birthday party) kay Imelda Marcos upang ma-settle na raw, matapos na raw ang deka-dekadang litigasyon at sigalot. Panahon na raw upang parehong makinabang sa perang dapat na raw mapakinbangan ng country? Bakit wala nabang dinero ang inyong mga bulsan?

Alam ng lahat na ibubulsa lamang ng palasyo ang daan-daang milyung dolyar ng human right victims bilang pang special operasyon laban sa mga kaaway nito, kahalintulad ng mga iskandalong pinasok na; Joe Pidal at pansuhol sa nalalit mga anti-impeachment (part 2) sa Kongreso.

Kung ako kay Ate Glo, kung may buto sa gulugod ang palasyo at kung may pondo pang nakalagak at natitira sa bangko, magandang oportunidad ito upang makapag-pa-pogi points siya sa mga kalaban,lalo na sa mga dating Kaliwa na napariwara ang buhay. Bilang regalo niya sa nalalapit na pasko sa 2006, ibigay na niya ang damyos pinsala sa mga biktima.


-doy cinco
July 5, 2006

No comments: