Friday, July 14, 2006

Dahil sa 14, 000 sa SONA. Mga kriminal MAMIMIESTA

Masyado atang over-kill, PRANING, OA (over-acting), over-over-over-over reacting ang Malakanyang sa 14,000 pwersang pang-seguridad na ikakalat ng PNP-AFP sa Kamaynilaan, partikular sa lugar ng Batasang Complex (ilang libong itatalaga) sa araw ng SONA ni Ate Glo sa darating na Hulyo 24. Paglolokohin, propropagandahan na naman tayo ni Ate Glo !

Epekto ba'to ng pagkaka-aresto ng anim na Magdalo leader nung nakaraang Linggo at inbentong pasasabugin daw nito ang Tongreso? Akala ba natin “tapos na ang boxing”, tapos na ang banta, ang destabilization, dahil pinagtitimbug, pinaralisado n'yo na ang Magdalo-YOUng at CPP-NPA? Ano naman ang magagawa ng pitong libong raliesta (5-7,000), lalabas pang mas doble karami ang tropa ni Querol at Esperon!

“Sintidu kumun” lang! Kung ako ang kalaban ng Malakanyang, napakalabo naman, napaka-imposible naman, napaka-TANGA-GAGO naman, kung ikaw ay aatake, lulusub, babanat sa araw ng SONA kung saan nakahanda't preperado ang PNP-AFP? Logically, kung ika'y may planong magsagawa ng atake-assault, pipiliin mo ang panahong tahimik, banayad, nagpapahinga, sorpresa ika nga, may LULL, kampante na ang mga kalaban!

Sa totoo lang, sa Kilusang Naghahnp ng Katotohanan nakatuon ang kanyong ng 14,000? Asahang gagawa na naman ng kwento, mga kabulustugan, inbensyon, propaganda ang Malakanyang (kesyo may sabwatan ang magra- rally sa kilusang komunista at Magdalo) upang muling mapaniwala nito ang country!

Sa bahagi ng pangkaraniwang pulis (may kaibigan din tayo) dagdag kita ang red alert at trabahong pagiging anti-riot. Bukud sa patayo-tayo ka lang, libre chibug at namamalo, sobrang laki ang allowance na kanilang natatanggap.

Kung lalaruin lang ang malilikut na kaisipan, subukan kayang “walang pagkilos, 'wag makipag sabayan, walang kilos protesta”, walang rally, walang paglusob at hayaang SUMUNTOK SA HANGIN si Querol? Kung nakasentro sa Batasan complex, MRT-LRT, Mega Train, Oil Depot sa Pandacan at sa Palsyo ang PNP-AFP, ITUTUK kaya ng mga rallyiesta sa Intramuros, sa Comelec (“hello garci) at CBCP (pananalaula ng Malakanyang – kalapit lugar) ang kilos protesta?

Bukud sa makakilikha ito ng matinding traffic (na kadalasa'y ibinibintang ni Querol sa RALLY), vehicular accident sa highway, tuwing may “red alert status” tumataas ang kriminalidad sa Kamaynilaan. Nami-miesta ang mga drug lord, weteng lord, bank robber, akyat bahay, mga hold-upper, snatcher at masasamang elemento ng lipunan sa panahong nakatutuk, abalang-abala at concerns ng PNP ay magbantay sa seguridad ng Malakanyang at ni Ate Glo!

Kung matatandaan, nakaraan SONA (2005), na-carnap ang auto-pick up (tanghaling tapat!) ng isa naming ka-opisina mismo sa harap ng parking lot ng IPD. Isang graduating student ng UST ang hinoldup at pinatay malapit lang sa Morayta, isang kilometro ang layo mula sa nakahambalang anti-riot-PNP na nakaharang at namamatuta ng mga nagpo-protesta. Isang ka-subdivision - kapit-bahay namin ang nilooban ng “akyat bahay gang” at nilimas lahat ang valueble item ng bahay.

Itong taong kasalukuyang mainit ang banta sa “kudeta” (Feb'06), magkakasunod na nilooban ang bangko sa Caloocan at Cainta. Isang kakilala ang nagkwento na ang kanyang anak na dalagita na nagtatrabaho sa Call Center ang nabiktima sa FX taxi (madaling araw-kahabaan ng Commonwealt Av), nilimas lahat ang pera't cell phone ng mga pasahero.

Bago mag June 12 (red alert, Independence day celeb), mga alas 9:00 ng gabi, galing sa Hi-Top supermarket, papauwi, nahold-up ang sinasakyang jeep (Philcoa-UP) ng aking anak, tinutukan ng mga di-baril na 3 kalalakihan, nilimas ang cell phone at pitaka ng mga pasahero at bumaba sa kanto, malapit sa Computer Center / Info center ng University avenue.

Dahil “red alert-political crisis”, hirap at halos walang rumerespondeng mga pulis. Walang dudang hindi ito isolated cases. Siguradong mamimiesta't natutuwa, umaarangkada at lumalala't lumalaganap ang krimen sa tuwing may rally, demo at pagkilos ng kilusang demokratiko.


Doy Cinco
July 15, 2006

No comments: