Sa halip na ipakita ang kabuuang istado ng bansa, ang nakaraan, ang kasalukuyang sitwasyon, ang kalagayan ng bansa, magkaroon ng assessment at accomplishment report (normal na isinasagawa ng isang organisasyon, opisina, NGOs), pangangampanya sa 2007 ang iprinopa.
Sa simpleng paraan o TOOLs na kadalasang ginagamit ng isang people's organization (POs), ang SWOT o ang strength, weaknesses, opportunity at time frame, binabalikan lang kung ano, bakit, saan ang strength mo, binabalikan ang mga KAHINAAN, sa madali't sabi, ang istado, ang kalagayan, sitwasyon, bago tumungo sa pagpoprograma't pagpaplano.
Mukhang naligaw si Ate Glo. Mukhang iba ata ang pinasukan niyang larangan, konteksto. Baka hindi n'ya alam na nasa iba siyang planeta, 'di n'ya alam ang kanyang pakay, hindi alam na nasa-SONA siya at wala sa war room ng Malakanyang, planning session ng DPWH at DILG?
Sino kayang TANGA, BOBO (Arthur Yap ng pres'l management staff-PMS) ang gumawa ng kanyang talumpati at nag-udyok na basahin sa paraang power point presentation? Kung sa bagay, nakapatungkol sa pulitiko, sa mga walang isip, utak ipis, trapo ang kanyang propa.
Imbis na mangamusta ang taumbayan, talakayin ang performance o mga listahan, datos, ng mga nagawa, sukatin ang inabot, palatandaan (indicator) ng kabiguan at tagumpay, pagbalik tanaw sa plano, direksyong tinahak o ang road map, kumanan ba, kumaliwa ba, pumailalim ba, pumaibabaw ba o tumagilid ba ang labanan? Ano ba ang nagawa? Ano ang ISTADO ng NASYON?
Sa SONA kahapon, lumalabas na hanggang anim na taon (4-6 years)ang mga binitiwang plano ni GMA. Parang nagsisimula pa lamang ang ALE sa paggugubyerno. Ayon kay Sen Recto, “pinagsamang geography lesson, travelogue, public works bill, political stump speech” ang input-discussion ang SONA ni Ate Glo. Kung mamalasin ka talaga ohh.
Aalahanin nangangalahati na siya sa biyahe (hanggang 2010) at hindi nagsisimula pa lamang. Baka naman kinukundisyon na n'ya tayo na ala Marcos ang game plan. Kaya lang, ang kagandahan nito, nagbibigay na siya ng sinyales na “hanggang 2013” nga ang haba ng kanyang biyahe?
Can you imagine, halos INFRA ang ibinalagbag. Meaning, fiesta na naman si Manoy, mga katulad na proyekto ng Centenial Vil, ang FIATCO, Macapagal Highway, Northrail, sovereign guarantee sa IPPs, Megatrain at MRT (kahit bangungut). Kaya bang pagtakpan ng highway, ng riles train, ng airport ang isyu ng LEGITIMACY, political uncertainty, ang dayaan, ang Joc joc Bolante at ang Hello Garci controbersi? Sa totoo lang TRAPO (tongresman at LGUs) lamang ang hahamig, ang tatabo, ang kikita, ang makikinabang sa horizontal project na infra!
Sa paglaki ng koleksyon ng buwis (dahil sa EVAT-fiscal reform?), imbis na utang niya sa mga tax payer-manggagawa, sa mga TRAPO siya nagpasalamat. Ang mga magnanakaw ang inaknoledge, hindi si Juan. Para kay Ate Glo, ang ULAP, LMP (Mayor), LGP (Gobernador) ang sumalba sa kanyang trono, sa sunud-sunud na political storm sa country. Sa kanyang SONA, initcha-pwera si Mang Juan at si Mang Pandoy.
Akalain mo ba namang gawing HERO, i-acknowledge pati ang mga manglalaro (sports), beauty contest at si Manny Pacquio. Paano naman ang migigiting nating mga Artist sa Sining (UP Madrigal Singer, mga batang Choir atbapa), OFW, mga academic excellence (competition sa Math at Science) na nag-champion, nagpunyagi at nagtagumpay sa Amerika at Europa?
Dag-dag pa, masyadong garapalan, iskandaloso, sipsip ang 166 ulit na palakpakan. Ganito na ba kalala, may sayad, positibo ang uri ng pulitiko sa ating bansa? Parang mga robot na sinususian,may taga-kumpas, parang walang pag-iisip-hindi nag-iisip. Hindi man lang tinignan ang substansya, ang kalidad, ang mensahe at laman ng speech ni Ate Glo. Kung sa bagay, hindi na dapat pagtakhan ang mga ito.
Nasaan ang plano sa health, edukasyon, agrikultura at ang ipingmamalaki nitong 10 point agenda (program) ng gubyerno? Hindi man lang tinignan, tinugunan ang pagpapalakas ng ating demokratikong institusyon, bagkus ginawa pang modelo si Palparan.
Kung pangangampanya sa 2007 ang pakay ninyo, sana man lang may kaunting banggit sa ELECTORAL REFORM, pag-amyenda sa Omnibus Election Code, pagsasa-over haul ng Comelec at pagsasabilanggo ng lahat ng Commissioner ng Comelec. BOKYA nga talaga!
Doy Cinco / IPD
July 25, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment