Thursday, July 20, 2006

“No one is above the LAW” - siRAULo!

Kupal, kengkoy talaga, nagkalat na naman itong si Siraulo Gonzalez ng DOJ. Can you imagine, sabihin ba namang “No one is above the LAW”. Haaaaaaaa.... TALAGA kupal ? Bunsod ito sa hayagang pag-aming “kinanlong” ng aktibistang si Bishop Tobias ang ilang miembro ng grupong Magdalo (matapos silang pumuga sa detention center sa Kampo Militar).

Ayon kay kupal, “harboring daw ito ng kriminal? Bakit, convicted na ba sa korte (na prove na bang guilty) ang sinasabi niyang mga kriminal? Bakit, kailan ka ba sumunod sa batas, bakit consistent ka ba sa batas? Bakit, may Rule of Law pa ba tayo? Bakit kasing lakas, kasing tatag at kasing tibay na ba ang ating institusyong sa HUSTISYA? Kailan pa? Bakit, sino ba ang sumasalaula sa ating Constitution? Ganuon na ba ka- imparsyal ang ahensya ng DOJ? Sa totoo lang, wala ka nang inatupag diyan sa DOJ kundi ang sumipsip, protektahan, halikan ang tumbong-wetpaks ni Ate Glo?

Maghunus dili ka “amoy lupa”, anong “above the law” pinagsasabi mo? Hindi na mabilang ang pagkakalat mo sa country. Kung sa bagay, kahit paano'y nakaktulong ka. Ikaw ang fertilizer ng destabilization, ikaw ang recruiter ng rebelyon at insureksyon, bitamina ka sa demokratikong kilusan ng mamamayan.

Sinong gagong maniniwalang hindi inalagaan, hindi itinago, pinagbiyahe ng around the world, bini-aypi (VIP), prinotektahan ng Malakanyang si Garcillno (Comelec) at si Jocjoc Bolante (DA-ang BAGMAN ni Mike Arroyo)? Bakit ganun na lamang ang takot n'yo sa mga Congressional hearing at ibinalagbag n'yo pa ang 464 upang hindi magalaw itong dalawa ng Senado!

“No one is above the Law”? Totoo! Sa mga kritiko ng Malakanyang, sa mga naghahanap ng katotohanan, sa mga political enemy ng palasyo, sa mga kalaban ng gubyernong Macapagal Arroyo, sa mga aktibista at sa mga militante, dun lamang (binbaluktuk) may batas. Sa mga kabalahibo, sa mga Crony ng Malakanyang, sa buong barkada't kaututang dila, sa mga PADRINO, suntuk sa buwang "walang above the LAW!!!

Bakit 'hindi pa rin mailabas-labas ang Mayuga Report, hindi magalaw-galaw ang mga kasangkot sa Special Ops nung 2004 Mindanao-Hello Garci? Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring linaw ang bilyong pisong anomalyang FERTILIZER SCAM ni JocJoc Bolante, FIATCO, Jose Pidal, nasaan ang "above the law"?

Kailan pa tayo nagkroon ng “rule of Law”? Ikaw pa (SIRAULO Gonzales) mismo ang nagsasabi, na okey lang (pinaggagawa ng destabilization, rebelde't insureksyon, pipol power, withdrawal of support) kung “MANALO (okey lang), ibang usapin, kung MATALO”.
Iyan ba ang matinong batas, 'yan ba ang "rule of law"?

Sa isang Estadong naghihingalo, lupay-pay at mahina't lulugu-lugo ang mga Institusyon, tiyak nauuwi lamang sa moro-moro ang “rule of law”. Ang mayroon, ganti- gantihan-pulitikahan, padri-padrino, may kapit ka sa itaas-sa tuko, ang malalakas (powerful) at malapit sa Malakanyang ang siyang nakapangyayari, “weather-weather lang ang ating batas”, kung nuon Edsa 1 at Edsa 2 ay pupwede, ngayon ay hindi na pwede- bawal na!

Can you imagine, nagawa pang “mag-apply ng political asylum” itong si Jocjoc Bolante? Haaaaaaaaa.........Dahil daw, prino-prosecute daw siya dito politically, kinakawa raw siya, iaapi raw siya sa Pilipinas, bina-violate raw ang kanyang karapatang pang-TAO? Isiping mong ganung kababaw-ka tanga ang spin doctor ni Mike Arroyo na siya ngayong taktika-estratehiyang gamit ni JocJoc Bolante?

Bakit, ka-level ba niya (Joc Joc) si Nur Misuari ? Si Joe Ma Sison ka ba? Si Joel Rocamora at si Bayron Bocar sa politcal Asylum na iginawad sa kanila sa Middle East at Netherland?

Maski batang Pinoy, alam na kaututang dila siya ng Presidente, (money) bag man siya ni Mike Arroyo, nagma-money laundering siya para sa pamilyang Arroyo, isa siyang elite, kurakot, siya'y walang dudang CRONY ng mga Macapagal Arroyo. Isang minority opposition na Senador (Magsaysay) ang naghahabol sa kanya upang bigyan liwanag ang Fertilizer SCAM. Sinong siraulong gubyerno (US o Europe) ang magga-grant ng political asylum kay Bolate, ISANG MINORITY OPPOSITION si Magsaysay ang tinakasan, iniwasan!

Wala tayong kasiguruhan, katiyakan kung ano ang plano, kahihinatnan ni Joc Joc sa Amerika. Kaya lang, ang sigurado, ang walang mintis, ang tiyak tayo, mayroong sabwatang naganap, conspiracy, cullusyon sa pagitan ng Malakanyang at JocJoc Bolante.


Doy Cinco
July 19, 2006

No comments: