Friday, July 28, 2006

Danes happiest people in the world, RP ranks 78th

Ang mga Danes (Denmark) daw ang pinakamasayang tao sa mundo! Ibinase, isinukat at ibinatay ang survey sa health, wealth, education, sense of identity at the aesthetic quality ng kanyang landscape. Isinagawa at ipinablished ito ng University of Leicester academics sa United Kingdom at nailagay ngayon (july 29) bilang front page ng Philippine Daily Inquirer (PDI).

Pumasok sa top 20 ang Scandinavian countries at siyempre pa, pang-labing lima (15th) ang bansang Netherland, ang bansang paboritong lagakan ng mga asylum seeker ng 3rd world pipol-countries.

Pam-pitumpu't walo (78) ang Pilipinas. Kung sa bagay hindi naman ito nakakapagtaka. Pumangalawa ang Swisso, 10th ang Canada. Ang mga BORING ang buhay (meaning puro trabaho, wala ng loving-loving?); 23rd ang US, 26th ang Australia, 31st ang Saudi Arabia, 35th ang Germany, 41st ang Britain. Ang walang kabuhay-buhay, buryong (bad trip-seryoso?) at malulungkot ang buhay ay; 62nd ang France, 63rd ang Hongkong, 64rd ang Indonesia, 76th ang Thailand, 82nd ang China, 90th ang Japan. Posibleng tama ang isinagwang survey.

Nakarating din tayo sa Denmark noong 1996, may dalawang buwan din namalagi, umikot-ikot, pasyal, miting ng iba't-ibang klaseng pipol (socialist, anarchist, communist, liberal). Bahagi ng exchange program ng ELF folkschool at DA (Danish FAs).

First time na nga lang lalabas ng 'Pinas, naharang (with my partner si May) pa kami pa-boarding area, nakita sa computer ang pangalan naming naka-hold departure order list ng Phil Immmigration. Ayusin daw muna namin ang tinakbuhang (jump bail) kasong rebelyon at insureksyon (RA 1700) sa Bicol, Legazpi, Albay. Sa madali't sabi, sa dami ng rumesponde, sa loob ng isang linggo, natuloy ang biyahe.

Kakaiba ang bansang Denmark at maging ang tatlo pang bansang kinabibilangan sa Scandinavia, sa Northern Europe. May ilan na rin akong naunang nabasa hinggil sa iba't-ibang klase ng mga survey, sa mga rating ng Denmark hinggil sa pangungurakot at kriminalidad (zero corruption at crime rate).

Una kong (personal) impresyon at na-obserbahan sa bansang ito ay parang Netherland ang dating, maski walang oil price hike-energy crisis nakabisikleta ang mga tao (bata, matanda). Mukhang environmentalist na ang inabot na kalakaran ng tao dito. Mukhang matagal ng tradisyon ng bansa ang pagbibisikleta. May provision o sariling parking area na at bicycle lane (left at right plang ng lansangan) ang lahat ng lugar at daan pa.

Ang lahat ng klaseng polusyon ay matagal ng naresolba sa Denmark! Sila ang nagdonate ng malalaking wind power/wind mills na siyang nakatulong ng kakulangan ng kuryente sa maliliit na bayan sa ILOCOS Region. Eto ang modelo dapat ni Bayani Fernando ng MMDA.

Bawal ang pribadong sasakyan sa down town (poblacion-kung baga sa'tin Makati Business District, Ermita, Malate o buong Cubao Area kung QC) ) area, kaya puro lakaran ang labanan dito. Tanging train, bus o bike lang ang paraan upang makarating (access) sa down town area.

Mass transit ang pangunahing means of transportation sa Denmark. Buong bansa ay naka -kone-konekta sa Train System at Bus. Magaganda at komportable (parang SM-Mall - minimalist design) ang mga train terminals at station. Meaning, mula bahay papunta sa paroroonan, magba-bike ka hanggang train station at magti-train ka na papuntang opisina, tapos kaunting lakad na lamang.

Walang traffic at calculated ang time of arrival. Hindi mo na kailangang mag-auto o bumili ng kotse dahil una; mataas ang buwis at walang parking lot, pangalawa; di tulad ng Pinas, hindi ka sikat, hindi ka Pogi (bagkus lalabas na isa kang TANGANG nilalang kung may auto ka)! Ang isang dahilan siguro'y sa klase ng terrain ng mga lunsod, masisikip ang kalsada at pinanatiling 18th century ang mga gusali. Kaya naman paliitan ng mga auto (hunchback-mini car) dito at kung mayroon kang makitang malaking kotse (Mercedez benz, BMW), walang dudang gamit ito ng mga dayuhan, especially baka 3rd world pipol pa?

Isa ring kakaiba ay kahiligang magbasa ng dyaryo ng mga tao. Hindi mabilang ang klase ng mga dyaryo(dyaryo, tabloids at aklat) sa mga newstand, bawat ciudad o bayan ay may sari-sariling broadsheet/tabloid at 95% nito ay DANE (lokal na dialekto). Mula sa train, nakupo sa bench, sa plaza, sa bahay, sa mga opisisna, ang daming mahihilig magbasa ng dyaryo.

Sa mga kwentuhan sa kanila, hindi paiiwan sa mga balitaan, talakayan ang mga Dane. Mukhang alam, up to date sila sa mga isyu, hindi lamang sa local sit, pati global situation ay kabisado. Isa pa, wala akong nakitang (ni isang) PULIS sa loob ng pamamalagi namin sa bansa.

Matulungin, sensitibo sa iyong inaasahang pagtatanong (naliligaw) o anu mang pangangailangang itatanong mo sa mga Dane, dama mo, feel mo na walang racism at 'sexism' sa bansa. Dahil kaya sa 'free sex' daw, dahil sa LEGAL ang prostitution? Halos binuwag na raw ang sistema (global standard)ng bilangguan at death penalty (mare-rehab kang tunay), labas pasok, may bahay at parang 'di ka nakakulong. Ang layo na talaga ang narating ng bansang ito.

Matatangkad, malalaking bulas at halos magkakamukha ang mga Dane. Wala silang paki- alam sa uri, kulay ng balat, kaanyuhan o kasuutan, kung behave ito o hindi at (kung sa kulturang Pinoy, kita na kaluluwa, nabobosohan) kung baduy ka o hindi.

Mga down to earth, hindi sila mayayabang, superficial at mapoporma. Hindi sila nagma-maang-maangan, plastic o doble-kara. Sa totoo lang, mga professional, pala-kaibigan at mga pranka sila. Mukhang di uso rito ang padri-padrino, utang na loob. Kung sumablay ka, kung may sabit ka, agad nila ikaw pagsasabihan ng harapan at hindi talikuran.

Sa mga Folk School na aming pinwestuhan, bukud sa marami dito ay mga Dane, iba't- ibang migrante at political asylum pipol ang aming nakilala. Araw-araw at gabi-gabi sa ginawa ng diyos ang mga indoor activities GIMIK. Maliban sa mga TEATRO (cultural) o sa movies, dinner time at PARTY TIME gabi-gabi.

Mahilig sila sa kantahan at jammingan, kumpleto ang mga gamit (humawak rin ako ng isang pyesa ng jammingan, Beatles, STING at U2). Sa mga tambayan (launch area?), bumabaha ng beer at red wine, inuman umaatikabo, nagdaDAMO (legal ang marijuana), may naglalaro (baraha, chess), nagbabasa at may nakasalpak na nagdu-dong mag-syota, at minsan, magka-partner ang isang Dane na puti at Africanong itim.

Wala silang malisya, kahit saang lugar, sa hall way, corridor, lobby, sa sasakyan ay may naglalaplapan. Mukhang hindi uso ang virginity ng mga girls, palit (ng) palit sila ng mga syota at malaking bahagdan ng pamilya ay diborsyado. Minsan nga nasaksihan ko't kinabahan pa (Dormitory) nga, isang Dane ang papalabas ng shower room-bath room na walang saplot ang katawan, naglalakad sa corridor patungo sa kanilang kwarto.

Maayos rin ang sistema ng pulitika at pamumuhay sa Denmark. Mas mataas ang standard of living ng Denmark kung ikukumpar sa Amerika at England. Maari sabihing kumpleto na o wala ng hahanapin pa ang mga Dane (isang welfare atate ang Denmark) sa buhay.

Siya ang may pinaka-mataas na union density sa mundo, mataas din ang pasahod (minimum wage)kaysa sa Amerika. Wala rin daw diskriminasyon sa employment. Kaya lang, sobrang taas naman ang kanilang buwis, mula sa minimum na 45% hanggang sa 65% maximum. Ang cost of living ay relatibong mas mataas kaysa sa US.

Dahil nga sa sistemang Welfare state, sinisigurado naman ang equal rights at access sa lahat ng serbisyo publiko at demokratikong tinatamasa ng mga tao; tulad ng gender equality, freedom of speech, an active business life and high-quality research and development environments. Mas mataas pa sa USA (in terms of ratio) ang kanilang development assistance sa 3rd world.

Multi-party structure ang system ng politika sa Denmark. Iba't-ibang partido ang nagrere-present sa parliamento. Coalition government ang kalakaran at walang may kakayahang may magmonopolyo ng partido sa parliamento. Eto rin sana ang paghalawan ng karanasan ng Sigaw ng Bayan.

May dinalaw kaming isang radio station ng 3rd world sa Copenhagen at may time slot ang mga Pinoy at bumulaga sa muka ko ang naglalakihang mga maso't karet sa mga dingding, naglalakihang mga posters na nananawagan at nagpapakita ng mga isyu ng Ikatlong Daigdig.

Ang nakaka-intriga pa rito, nagbibisekleta lamang dito ang maraming mambabatas, naglalakad at namamalengke ng walang mga body guard, hindi naka-limousine at halos ordinaryong mamamayan lamang ang dating. 'Di tulad sa Pinas, ikinahihiya ang pagbi- bisekleta. Isang-katerba ang mga bodyguard ng mga pulitiko, naka-limousine at may mga wang-wang.

Maliliit lamang ang mga Mall (SM) sa Denmark, at parang nilalangaw pa. Dadalawa lamang mga personel ng mga supermarket, ang cashier at helper nito, ang daling mag shop lift kung gugustuhin mo lang.

Organisado ang mga mamamayan (active citizenship?) at global isyu, global social activist na ang katangian ng kanilang pagkilos (ano ang silbe ko sa mundo? ito ang mga katanungang hinahanap na ng mga Dane).

Dahil sa maaga nag-uuwian ang mga tao, nagagawa pa nila ang iba pang extra-curricular activities para sa kanilang pamilya't pamumuhay at sa lipunan. Mahaba ang panahon at inuubligang pinagbabakasyon ang mga tao, mga manggagawa at empleado. Kayat sila ang may pinakamaraming (in terms of ratio) lumalabas na mamamayang turista ng mundo.

Totoo nga sigurong masayahin ang mga Dane. Malamang ito'y dahil sa haba ng demokratikong pakikibakang isinakatuparan ng kanilang ninuno. Epekto rin ito sa klase ng weather o dili kaya'y bumabawi sa haba ng kalungkutang kasaysayan inabot nito o pwede rin sa uri't sistema ng kanilang kultura't kabuhayan.

Oh ito'y isang TIP sa mga Pinoy, kaya sa mga nagbabalak-balak na mag-alsa balutan, mag-migrate at mukhang wala ng balikan, sa top 20 na ang piliin ninyo!


Doy Cinco/ipd
July 29, 2006

1 comment:

Anonymous said...

Hi,

Good one on Danes happiest people in the world, RP ranks 78th.I think you should be aware home based business tax advantages.Home businesses have built in write-offs that other jobs don't.I did learn lot more advantages here http://debtfreeliving.workathomebenefits.com .It might help you too.

Thanks,
Camilynn