Matapos ang ilang buwang (daw) “pananahimik, paglay-low”, sa kabila ng pinagmmalaki nitong nahinto raw, nagkaroon raw ng crackdown, muling nabuhay (kailan ba namatay ang guerilla weteng?), lumakas,pinalakas pang lalo ang weteng sa (apat na malalaking REGIONs na ini-envision sa SONA ni Ate Glo) Northern Luzon, NCR at Southern Luzon, Visayas at Mindanao. Mula sa lugar ni Chabit Singson sa Ilocos, ang teritoryo ni Bong Pineda sa Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Quezon at Camarines Sur.
Ayon kay Sen Pimentel, may basbas, may pahintulot at may memo ('di nakasulat) mula sa ITAAS, tungo sa baba, sa mga local police commander ang resumption ng weteng operation sa mga regions. Minanduhan ang mga ito na magdahan-dahan, gumawa ng gimik, 'wag magseryoso, mag-alibay muna at mag-easy-easy sa kampanya laban sa iligal na sugal na Weteng.
Hindi na balita ito!! Sa tuwing may SONA, kakambal nito ang maraming klaseng krisis at sumasabay rin ang krisis sa moralidad. Isa ring palatandaan ang papalapit na nga at tuluy na ang 2007 election. Kinumpirma ito ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar V. Cruz at inamin mismo ito ni Director General Arturo Lomibao, chief of the Philippine National Police na “bumalik ang maliligayang araw ang istruktura ng sindikato ng weteng sa bansa.”
Kung matatandaan, may dalawang taon (ilang presidente) na ang nakalipas, broadcast-headline-laman ng pahayagan ang weteng. Kesyo, “in two years time, in one year time, wipe out na ang Weteng”. May naniwala ba? Natawa lamang, nagkipit balikat ang country, walang nagpaloko. Hindi basta-basta mabubura sa country ang “ninggas kugun” persepsyon ng country. Alam ng lahat na sa isang bansang mahina, lulugu-lugo ang institusyon, prostituted ang institusyon ng estado, walang gagong Pinoy ang maniniwala na mawa-wipe out ng PNP, ng AFP, sa tulong ni Mayor, sa tulong ni Gobernador, sa tulong ng League of Mayor of the Phil (LMP), ULAP-DILG at Sigaw ng Bayan ang weteng.
Pare-pareho halos lahat 'yan, halos lahat nakikinabang sa partihan. Can you imagine na sabihing; “hindi naming kilala ang mga operador, hindi naming alam na nag-ooperate yan, wala kaming alam diyan, at ang pinaka-gagung pahayag: “ireport na lang ninyo sa amin yan at aaksyunan namin – DG Arturo Lumibao. Haa..........naman, naman.
Huwag n'yo nga kaming gaguhin! Hindi na mabilang na Senate-Congressional hearing ang naisagawa dyan (isyung weteng), identified na, isinampal na sa mga pagmumukha n'yo kung sino ang weteng lord, nakikinabang at tumatabo diyan, bode-bodega na ang litiratura't pananaliksik diyan, ilan Tabloid, broadsheet na ang nagbulgar diyan, tapos sasabihin n'yong ireport sa inyo kung sinu-sinu, dahil wala kayong alam, hindi n'yo (kuno) kilala ang mga gambling lords! Taran .................td.
Bistado na kayo, huling-huli na kayo, nagmamaang-maangan pa, palusot pa kayo! Gusto n'yo pang palabasing (awtoridad) kasalanan pa ni Mang Juan yan, ng kumunidad, (palabasing gusto ng tao, employment yan, kultura na yan!) kung bakit laganap ang weteng, 'dahil hindi raw ito nakikipag-tulungan, cooperate sa inyo!
Isang damakmal na katangahan pala kayo. Paano makikipag-cooperate , paano kayo pagtitiwalaan, igagalang ng tao? Madalas kayong nakikita sa beerhouse, daming chicas na ka-table, nakikipaglandian sa TAAS, sa palasyo!
“Alam ni Mang Kulas yan, ni Aling Nena sa Carinderia yan, alam ni Boy Tubero, Boy Kirat yan, Boy Libug yan, alam ni Edwin Duling yan, ni Mang Goyo barbero yan, transparency at kilala ng buong pamayanan ang mga kubrador, naglalakad at minsan nagbibisekleta lang yan at minsan pati ang venue ng bolahan ng weteng ay alam ng tao, dinudumug ng taga-baryo na parang may tupada. Saan suluk man ng barangay ay alam ng tao ang weteng operation.
Pinapatunayan lamang na may sabwatan namamagitan sa pamunuan ng PNP (lokal-Nasyunal), mga lokal na ehekutibo (LGUs) hanggang Malakanyang. Balita pa ba yan! Kung nanaisin, kung gugustuhin lamang, kung may “butu sa gulugud” lamang, kung may “political will” ang palasyo lamang at PNP-AFP na durugin, tiris-tirisin ang weteng sa kahalintulad na kampanyang KAMAY na BAKAL, ALL OUT WAR na iginagawad nito sa grupong Magdalo, CPP-NPA ng bansa, sa mga rally at demonstrasyon, NAGAGAWA n'yo, WETENG pa!
Lubhang kailangan ng mga lokal na trapito (Mayor, Gobernador at Tongresman) ang weteng upang muling masustentuhan ang pang-araw-araw na gastusing pamumulitika (kasal, binyag, libing), bukud pa sa dami ng kabit-asawa nito, numutiktik na tarpuline-streamer ng mga pagmumukha nito sa kanto, mamigay ng noodles, for the boys, tulad ng maagang visibility, name recall at maagang pagtatayo ng makinarya. Mas kailangan rin ng mga awtoridad sa itaas (Malakanyang, PNP at AFP) ang weteng upang matustusan ang sariling kapritso't paghahanda sa labanang politikal, bago at mataapos ang 2007 election.
Malaki ang naging papel ng Weteng sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pinoy, may direktang epekto ito sa pulitika, kultura't panlipunan. Ang Weteng ang sanhi ng pagpapabagsak kay Pres Erap Estrada nung 2001. Nung mailukluk sa pagkapangulo si Ate Gl, agad niyang ipinangakong “uubusin, kakatayin niya ang weteng operation sa (isa-dalawa at hanggang tatlong taon daw) bansa”. Ano ang nangyari, ano ang resulta?
Ang Weteng ang nagsustini ng kanyang political career, mula pa nuong siya'y Senador at Vice President. Mahirap paniwalaan sa SONANG darating ang isang imoral at ipokritang pulitiko, isang pangulong nailukluk sa pamamagitan ng pamumulitika,WETENG, kurakot at pandaraya. Alam ng mundo na kaututang dila niya ang pusakal at mapia ng Gitnang Luzon, ang kumpare niyang si Bong Pineda.
Malaki ang naging papel ng WETENG sa pagkakapanalo ni Ate Glo nung 2004 Presidential election at pananatili nito sa Malakanyang hanggang sa kasalukuyan at malamang hanggang 2013. Ang nakakapang-lupaypay, "parehong mahina ang magkabilaang panig". Nabigong ma-impeach siya (kasong “dagdag- bawas, helloo Garci", kasong pangungurakot at ugnayan ng kanyang pamilya sa gambling lord-Bong Pineda), ma-withrawal of support siya, ma-pipol power siya ng kanyang mga kaaway sa pulitika.
Doy Cinco / IPD
July 22, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment