Sunday, July 02, 2006

Taktikang anti-komunismo, LAOS na!!

Hindi na uso ang anti-communist hysteria ngayon. Propaganda pa ni Magsaysay yan, ni Marcos yan may tatlo't limang (50 years) dekada na ang nakaraan. Kung nuon, mukhang umubra sa mga Pinoy ang anti-communist propaganda, ngayon mukhang pinagtatawanan na lang ito.

Iba na ang isyu ngayon! Nabigo ang socialist experiment sa Eastern Europe nung maibagsak ang Berlin Wall. Nailibing na ang “cold war" at Macarthysm sa US. Ang langis ng Iraq, Iran, Afghanistan, Al Qaeda-Bin Laden, ang Mindanao ngayon ang pangunahing pinagtutuunan na ng mga Amerikano. Hindi na mga komunista ang kalaban ng mga Amerikano!!!

Kung anu-anong panloloko, panlilinlang at pananakot na “left-right conspiracy theory” ang ginagamit ng Palasyo ngayon at ng kanyang mga tongsultant na spin doktors na tumuklas ng ganitong klaseng kontra-opensibang Psy-Ops? Ang Veneble ba uli (consultancy firm), si Banana king Norberto Gonzales, ang dating komunistang si Bobby Tiglao, Ed Pamintuan(dating Mayor ng Angeles City), dating aktibistang si Mike Defensor o si General Ermita.

Naghihingalo na sa kasalukuyan ang CPP-NPA, sa tindi ng paksyunalismo at sablay na anti-infiltration campaign noong dekada 80s, mga sunud-sunud na tactgical error, debate sa loob.

Ginagmit ang gasgas na anti-komunismo upang may makontrol at maikonsolida ang Kapulisan at AFP. Layon ng taktikang ito na ihiwalay ang Armed Forces of the Philippines sa mga rebelde't patriotikong sundalong bumubuo ng Magdalo-YOUng. Ginamit ng mga psy-war consultant ni Ate Glo ang anti-komunistang panakot upang muling makontrol at makonsolida ang AFP at desperadong isalba pa ang Cha Cha at dahil din sa nabigong withdrawal of support ng mga tropang malapit kay Brig Gen Danilo Lim, Marine Col Ariel Querubin at ilang matataas na opisyal ng militar.

Isang paraan din ito upang paralisahin at upakan ang oposisyon (anti-impeachment, anti-cha cha) at kalaban ni Ate Glo (political killings – +200 activist). Bonus na rito ang panggagalingang dilhensya, pangungurakot at promosyon ng ilang matataas na Heneral, Kapulisan at maibaling at ilito ang mamamayan. Baka sa bandang huli, kung hindi mag-ki-click ang communist hysteria, maghahanap ng dahilan at iugnay sila sa mga gambling-drug lord, prostitution, sa mga pulitiko, sa mgia terorista at sa Jemaah Islamia (JI)?

Walang masama sa komunismo. Na-repeal na ito ng 1700 anti-subvertion Law (panahon ni Tabako 90s) , meaning hindi na bawal ngayon ang pagiging kumunista. Ang labag sa batas ay manawagang pabagsakin ang gubyerno sa pammagitan ng armado. Kung si GMA at ang gubyerno ay nakikipagnegosasyon sa NDF-CPP-NPA sa Norway (Europe) para sa peace settlement ng bansa, walang dahilan kung ang panig ng mga kaaway ni GMA sa pulitika ay makipag-negosasyon sa mga komunista, tulad ng ginawa ni Senador Jamby Madrigal. European Union at Netherland (Holland) ang kumukupkup sa mga komunistang Pilipino ngayon, hindi ang Komunistang China, North Korea at Cubano.

Sino ba ang nakikitulog sa mga komunista (“sleeping with the communists” )? Ang alam kong tunay na nakikipaglandian sa mga kumunista ay si Ate Glo. Kakampi nito ang mga komunista nung Edsa 1 at Edsa 2 (Bayan Muna- CPP) para ibagsak ang gubyerno ni Pres Marcos at Erap Estrada.

Malapit si Ate Glo sa mga Komunista lalo na't kung ito'y mapapakinabangan niya. Saan humihingi ng saklolo si Ate Glo sa tuwing kinakapos siya ng budget, 'di ba sa mga “komunista,” sa komunistang China (Communist Party of China)? Ilang daang milyong dolyar na ang naibigay na tulong (economic at military aid) ng Komunistang China sa gubyerno. Sino ang nilapitan ni Ate Glo sa Espanaya kamakailan lang at humingi ng saklolo, 'di ba sa mga sosyalista at Prime Minister na si Zapatero!

Sino ang uma-astang kumunista (Tianamen Square/ Calibrated Pre-emptive Response at 1017), diba si Ate Glo, si Palparan at si Querol, ang kanyang gubyerno? Si Ate Glo at ang lipunang ginagalawan natin, ang inhustiya, ang karalitaan at ang sistemang elitismo ang siyang pangunahing kanal na pinagbubuhatan ng lamok na komunismo, insureksyon at rebelyon. Si Ate Glo ang nagpapalakas, fertilizer at recruiter ng komunista.

Malaki na ang ipinagbago ng mundo. Dahil Globalisado, ang palitan ng inpormasyon ay mabilis na rumaragasa sa mundo (Information Technology). Lahat ng “subersibong” (sa pananaw ni Ate Glo) inpormasyon, lathalain, mga literatura't dokumento hinggil sa komunismo, sa NPA ay madali ng naa-access, nababasa sa Internet, may websight ang mga komunista.

Ligal at kinikilala ng lahat ng mauunlad na bansa ang partido komunista (Western Europe). Dahil may katatagan ang Istado't kanilang mga institusyon, imbis na katakutan, katuwang pa nila ang mga komunista at partido komunista sa pag-ugit ng kani-kanilang tadhana't pangarap kaya naman wala ng dahilan pa para mag-insureksyon at mag-rebelyon.

Isa ng fashion sa mga kabataan ngayon (t-shirt) ang mga kasuutang may markings ng Komunismo (Che Guevarra, Star of Lenin, maso at karet, MAO cap). Bumabandera sa mundo ngayon ang maka-komunistang at anti-Imperialistang si Hugo Chavez ng Venezuela, Morales ng Bolivia at Lula ng Brazil. Libo-libong Pinoy (tago ng tago-TNT) ngayon ang nagtatrabaho sa Beijing at Shanghai, China.

Mas lumawak at tumitindi ang kilusang protesta sa maraming sektor na hindi na kontrolado ng CPP-NPA-NDF. Mas tumatapang ang paninindigan ng marming sektor (Senado, Media, CBCP, Academic community, civil society, propesional) na ituloy ang laban sa katiwalian at eligitimacy ng gubyernong Macapagal Arroyo.

Malinaw na hindi na pinag-uusapan ngayon ang komunismo, "ang mayaman vs mahirap, ang pagiging pantay-pantay, ang Lupa vs walang Lupa, ang mapang-aping uri vs pinagsasamantalahang uri, ang manggagawa at magsasaka!" Hindi na isyu yan, panahon pa ng Huk yan, luma ng tugtugin yan!!! Humanap naman kayo ng ibang ISYU!




Doy Cinco
July 2, 2006