Sa akalang giginhawa ang buhay, sa pangarap na maiaa-ahon ang kabuhayan at mapag-aaral ang bunsong anak, sa akalang makakapag-patayo ng isang munting bahay, sa pag-aakalang tutulong at nasa likud nito ang OWWA-Gubyernong 'Pinas kung sakaling malagay sa alanganin dahil sa $25 na pangongotong sa kanila.
$100 na nga lang ang sinasahod (P5,000/mo), asal alipin ang kapalit. Ikinulong sa kwarto, ginahasa, pinagsabihang “isa ka lang Pinay, katulong ka lang, hindi ka namang isang Kano, German, Frances na proprotektahan ng sariling gubyerno at iiwasan-iilagan ng bansang Israel, Nani ka lang dito, tama lang sa'yo yan, dapat maiwan ka muna dito!” sabi ng isang among Lebanese sa isang Pinay na katulong. Bakit ganito ang tingin ng MUNDO sa bansa natin?
Nagtataka pa tayo kung bakit inaapi-api ang mga Pinay sa ibayong dagat? Sobra na'to, sobrang pang-aalipusta na to, daig pa nito ang mga libu-libung ITIM (aliping african- na byinahe mula Africa tungong americas) na inalipin sa Amerika may limang-daan taon na ang nakalipas. Nakakaiyak na ito, malaking isyu na toooo.............
Pwede pang unawain, kaya pang intindihin, kaya pang tiisin ang pang-aalipin dinadanas ng mga OFW sa Lebanon. Ang nakakalungkot dito, ang masakit dito, sa PAG-AAKALANG ang magsasalba sa kanila, tutulong, NAKADAGDAG pa sa PABIGAT, nakipila na rin sa panggagahasa ang OWWA-gubyerno ni Ate Glo. Parang sugatan na't pinahiran pa ng asin at kalamansi, pinainum pa ng sukang maanghang, pinagdamutan pa, pinagka-kwartahan pa, pinagkakitaan pa!
Nasaan ang pondong P8.0 bilyon ng OFW? Tulad ng inaasahan, pinag-intirisan na naman ng mga pulitiko ang P8.0 bilyon pondo ng OFW, sa tulad din ng kinasapitan ng pondong kabayaran sa mga biktima ng Human Right violation ni Marcos, ginamit sa campaign fund nuong 2004 presidential election!
Bakit mukhang tahimik o may kagabalan ang posisyon ng kilusan dito't mga KALIWA, dahil ba sa pagod na't naubos na rin ang pondo sa rally, mobilization nung July 24, SONA o isyu lamang ba ito ng INSTITUTION? Nasaan ang Akbayan at Laban ng Masa rito? TANONG LANG!
Katatapos sabihing “force evacuation” na ang OFW sa dinudurug na bansang Lebanon, ni Ate Glo, unti-unting naglalabasan na, nagsisingawan na ang mga baho't anomalya. Walang umaamin, nagtuturuan na ng mga nakurakot, malversation at nawawalang mga pondo ng OFW.
Pinagtulungan ng DFA at OWWA si Al Francis Bichara, Phil Ambasador sa Lebanon at dating giberndor ng Albay, “kung bakit daw hindi nagli-liquidate ng pondo ito at bakit daw nawawala sa Beirut, sa kanyang pwesto?” Nag-counter attack ang pulitikong si Bitchara, “anong ililiquidate namin, anong pondong pinagsasabi n'yo, wala pa kaming pondong natatanggap dito” at halos pera ko nga lang, paluwal ko na nga lahat ang ginagastos ng operasyon namin dito!
Ang tanging kumampi lang kay Bitchara ay si Sen. Gordon (pinuno ng Phil Nat'l Red Cross) at kababyan nitong si Sen Joker Arroyo. Ang huling balita, mukhang nagsorry na si Bitchara sa dalawang ahensyang dorobo ng gubyerno.
Nag-utos si Ate Glo ng P150.0 milyon pandagdag gastos pondo sa evacuation, pero ang masaklap dito, bakit kailangang pang maglabas ang National Government ng P150.0 para sa repatriation? Nasaan ang PONDO ng OWWA??? Ang problema, hanggang sa huling sandali, 'di pa rin ito nakakarating sa kamay ng mga umaagpay na OFW sa Lebnon.
Bagamat nandun na ang special envoy na si Gen Cimatu, naging inutil ito, mukang tanga, wala itong kamuang-muang kung kanino makikipag-coordinate, kung ano ang gagawin, kung sino ang bosing sa operasyon at kung saan ang pondo, dahil wala sa kanya ang PONDO!
Ang totoo nito, na sa mga kamay na ng DFA ang kwarta at "idiliver na raw ito sa Embahada ng Lebanon at ginamit na raw sa mga charter flight na inarkila ng DFA." Magkano ang KOMISYON sa airline companies?
Kung naidiliver na, kanino ibinigay? Sobrang bagal, kung sa pangongotong ng $25 kada OFW parang kidlat, pag sa serbisyo't balik tangkilik, paiyakan na! Ang isa pang totoo, ang dapat talagang mangasiwa, main responsibility sa reptriation ng OFW ay ang OWWA, wala ng iba pa!
Ayon sa mandato ng OWWA, isinasaad ng Section 15 ng Migrant Workers at Overseas Filipinos Act ng 1995 (Republic Act No. 8042), “lahat ng gastusing patungkol sa repatriation ay babalikatin at sasagutin ng ahensya”. Nakalagay rin sa batas na “sa kasong may GERA, epidemya, disaster man o kalamidad, natural man o man-made, minamandato ang OWWA na mag-coordinate sa international agencies sa opersyong evcuation ng mga OFW pauwi sa Pilipinas. Ibig sabihin, inilalahad ng batas na magkaroon ng emergency repatriation fund, sa initial outlay na P100 million, na siyang pangangsiwaan nito.
Maliwang na hindi si Bitchara, hindi rin si Cimatu at lalong hindi ang DFA ang nakatoka sa isyu, bagkus ang OWWA ang mas may pananagutan at responsible sa isyu ng OFW. Ang tanong, kung totoong hawak ng DFA ang pondo ng OFW na P8.0 bilyon, bakit sila ang may kontrol, nasa personal account ba nila ito? Sabihin na nating hawak na ng OWWA ang pondo, bakit parang pinatatagal at itinatago? Dahil ba sa lumalaking interest nito sa bangko, naghahagilap pa dahil (replenish) may pinaggastusan (2004 election), pinagkakakitaan ang pondo sa money market, nakurakot na o naibulsa na?
Hindi mawawala sa country ang pagdududa, maraming alegasyon, maraming hinala, dahil SAID na ang pagtitiwala sa gubyerno. Nandiyan ang isyu ng fertilizer scam na nagamit sa Presidential election nuong 2004, ang PHILHEALTH card na ginamit sa 2004 presidential election. Inamin mismo ito ng dating Labor Sec. Patricia Sto. Tomas na nagchannel siya ng pondong P2.8 bilyon mula sa OWWA patungong PhilHealth.
Malinaw na labag sa batas ito! Ang pondo ng OWWA ay dapat exclusibong sa OFW lamang gagastusin at sa kapakanan lamang ng OFW lamang ito! Kung sila, pwedeng lumabag sa batas, kung ang oposisyon, bawal! Kupal talaga.
Tatlong buwan bago ang Presidential election 2004, inilunsad ni Ate Glo ang P3.0 bilyong “UNIVERSAL HEALTH INSURANCE COVERAGE” para sa mga empleado ng gubyerno at pribdong sektor sabay dinistribute ang Philhealth card na may litratong mukha ni Ate Glo (ala pulyeto/campaign materials) . Nakatanggap ba ang ilang kakilala n'yo rito? Pondo pala yan, dugu't kaluluwa pa la yan ng mga manggagawa sa ibayong dagat (OFW)!
Wala talaga tayong maaasahan sa mga INSTITUSYONG (tanging mga alipores ng iligal na nag-uukupa sa Malakanyang) nakatalaga upang maglingkod sa ating mga abang kababayan. Sobrang Kalapastanganan na'to sa OFW!! Gabaan sana KAMO!
Doy Cinco / IPD
July 29, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment