Tuesday, July 11, 2006

Walang bago sa isang burikak na presidente (N Korean missile crisis)

Muling nagpasikat (ikaw pala'y nagkakalat), nagpa-impress ang ating pekeng presidente sa amo nitong si Bush ng US ng i-propa nito ang pagkundena sa isinagawang missile testing ng North Korea! ("To refrain from further compromising the peace and security of the region and of the world").

Nakisali ka pa sa eksena, wala ka namang ibubuga, di ka naman papatulan ng North Korea, dahil yagit lang tayo sa Asia! Sino ba si Ate Glo sa isyu ng N Korea? May malaking papel ba tayo, kinikilala ba tayo sa rehiyon, may kakayahan ba tayo, siga-siga ba tayo sa Asia? Manahimik ka, anong ipagmamalaki ni Ate Glo, ang pagiging sikat natin bilang japayuki, prosti ng Asia, caregiver-katulong, isang kahig-isang tuka lang tayo, busabos at ang pagiging pulubi natin sa mundo (umaasa sa utang, hingi't pamamalimos). Kung 'di ka ba namang tanga, yung komunistang CPP-NPA at Magdalo lang hirap ka na, babanggain mo pa ang North Korea!

Kung alam lang ni Kim Jong Il ng North Korea na isinusuka na siya ng country, weak at hawak sa leeg si Ate Glo ng mga heneral at politiko, na siya'y isang burikak (di pa nagbababa ng pantalon si Uncle Sam, nakaliyad na) na pangulo, tuso at oportunista, dededmahin nga siya ng N Korea.

Walang bago sa foreign policy ng bansa, mula pa sa panahon ng Commonwealth Quezon hanggang sa kasalukuyan ay nirere-echo (plakado) lamang ng Pinas ang foreign policy ng gubyernong Amerika. Inaasahan na natin ang ganitong pamumustura lalo na't siya'y nalalagay sa alanganin, ipit, nanganganib, survival mode, may political uncertainty, may patuloy na banta ng destabilization at syempre pa nagpapaSIPSIP, lubhang kailanganin niya ang suporta't ayuda mula kay Bush.

Kung matatandaan, sa panawagan ni Bush, ang gubyerno ni Ate Glo ang unang tumugon, nagkumahog, umarangkada at pumaloob sa Coalition of the (may Taliling) Willing na durugin, pulbusin ang IRAQ at gubyerno ni Saddam Husein. Nalagay sa kahihiyang urong-sulong ng mundo si Ate Glo, dahil sa isang hudyat lamang ni Angelo de la Cruz (na-hostage ng Iraqi Liberation Army), tiklop ang buntut at biglang nagsirko sa Coalition. Paano kung patulan ka ni Kim Jong Il, eh di lagot ka, suportahan at mamigay ng armas at ayuda sa ka-chokaran nilang CPP-NPA, (tulad ng gingawa ng US na namimigay ng lumang armamento sa AFP)? Baka, bigla kang mapasugud (dumalaw) sa North Korea at mag-sorry, manikluhod!

Dapat malaman ni Ate Glo na hanggang salita, hanggang dakdak at hanggang porma lamang ang US at ang Japan pag ang North Korea (mas tuso at sigurista sa dalawa) ang kalaban. Hindi tanga at gago ang US na muling ipasubo ang kanyang armed forces at atakihin ang North Korea sa tulad ng ginawa nito sa Iraq at Afghanistan.

Wala ng mukhang ihaharap ang US sa mundo, matapos ang kahihiyang idinulot nito sa paghahanap at pamimintang na may “weapon of mass destruction” , ginamit na excuse upang looban at pagnakawan ang Iraq! Lumalaki araw-araw ang casualty (3,000) ng mga sundalong Kano at bumababa ang moral ng mamamayang Amerikano sa gera.

Ang tunay na pakay, ang tunay na dahilan at layunin ng US ay PAGNAKAWAN ng LANGIS ang IRAQ (papakonti na ang langis sa mundo), yan ang nagdudumilat na katotohanan! Sa kaso ng North Korea, naghahamon na, kakasa, palaban na, nag-testing na at dekleradong inaamin na ng hayagan na mayroon nga silang nuclear armed na missile, eh ano ngayon? Ang nakakatawa rito, bakit nadiwag, nag-atubili si Bush na upakan ang North Korea? Dahil, wala kasing mahihita ang US sa N Korea, WALA itong LANGIS at wala itong mapapakinabangan!!!

Ngayon Ate Glo, sa ginawa mong pag-aanunsyo laban sa North Korea, baka magsisi ka!



Doy Cinco / IPD
July 12, 2006

No comments: