Tulad ng inaasahan, katakut-takot na kantiyaw ang inabot ng state of the nation address (SONA) mula sa hanay ng oposisyon kung saan inilarawang walang bago, puro pangako at lalo pang lumala ang mga kathang-isip ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ayon kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson, iisa lamang ang kabuuan ng SONA ni Pangulong Arroyo sa mga nagdaang taon hanggang sa ngayon. Ito’y kuwentong kutsero at kathang-isip lamang ng Pangulo katulad ng mga kuwento sa komiks.
"It’s like listening to "Alice in Wonderland". She knows as we all know that all these are wishful thinking. If at all, it’s good PR to have mentioned of names of her loyal supporters across the country," ani Lacson.
Maging si Sen. Ralph Recto na kaalyado ng Malacañang, hindi naiwasang mairita sa mala-Philippine Tour na SONA ni Mrs. Arroyo. Aniya, nauwi sa geography lesson at mistulang travelogue ang talumpati ng Pangulo.
"It’s a geography lesson, travelogue, public works bill, political speech all rolled into one. It may not be an elegant SONA, but its eloquence lies in its plan to develop the countryside. Although how I wish that she expounded more on health, education and agriculture," ani Recto.
Sinabi naman ni Sen. Joker Arroyo, kaalyado rin ng Malacañang, bawat taon ay nangangako si Mrs. Arroyo ng kung anu-anong reporma at proyekto subalit kahit isa sa nilalaman ng kanyang talumpati o SONA ay hindi nito natutupad kung kaya’t hindi na niya ito pinanood o pinakinggan.
Aniya, hindi masisisi ang mga mambabatas na nagboykot sa SONA. Saan kukunin ang pondo? Ito naman ang tanong ng mga opposition congressmen dahil sa anila’y napakataas na ambisyon ni Arroyo sa mga ipinangako nitong katakut-takot na proyekto.
"Ang tagal na niyang nakaupo hanggang ngayon nangangako pa siya? At saka saan kukunin ang pondo? Hindi niya ipinaliwanag," ani CIBAC party-list Rep. Joel Villanueva.
Natatakot si Villanueva na magagaya rin sa ibang pangako ni Arroyo ang mega-projects na kanyang ipinangako.
"GMA has learned to preach to choir in the house. It’s everything the audience wants to hear. But the devil is in the details... how are we going to fund all of this I have no idea. She has avoided all other issues that are fundamental to credibility and seeing these grandiose plans through," ayon naman kay Cavite Rep. Gilbert Remulla.
Iniwasan ang problema
Ayon naman kay House minority leader Francis "Chiz" Escudero na kabilang sa nagboykot sa SONA, nabigo siya sa kanyang pangarap na marinig ang paliwanag ni Arroyo hinggil sa mga alegasyong nandaya, nagnakaw at nagsinungaling ito sa taumbayan.
Sa mahigit 30 opposition congressmen, 7 opposition congressmen lamang ang dumalo sa SONA subalit hindi pumalakpak ang mga ito sa kabuuang speech ng Pangulo kahit noong pumasok na ito sa session hall dakong alas-4:02 na ng hapon.
"Papaano tayo magsama-sama when her credibility was questioned and ‘yung mga issue ay ayaw sagutin. Tama ba na okey na lang na kalimutan na lang natin lahat ang pagsisinungaling, pagnanakaw at pandayara kapalit ng mga project na ito? Hindi naman yata tama ‘yun," ani Remulla.
Sobra sa bati at palakpak. Samantala, bukod sa nilalaman ng SONA, inulan din ng batikos ang naglipanang "Palakpak Boys" sa pangunguna ni Speaker Jose de Venecia na umano’y walang ginawa kundi pumalakpak kahit wala pang sinasabing maganda si Pangulong Arroyo.
"Mga utu-uto talaga ito, every line kahit walang sinasabi eh palakpak ng palakpak. Malamang maraming magpapaospital pagkatapos ng SONA ni Gloria kasi namamaga ang mga kamay sa kapapalakpak," text message ni dating senador Tito Sotto.
Nagtaka rin si Sotto dahil sa dami ng pangalang binati ni Mrs. Arroyo, nakaligtaan nito ang dalawang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay na nagsilbing susi sa panalo noong 2004 national election.
"Lahat binati pero nakalimutan si (dating Agriculture Undersecretary Jocelyn) Bolante at Garci (dating election commissioner Virgilio Garciliano). She sounded and I thought I was listening to JDV," ani Sotto dahil puro pambobola aniya ang ginawa ng Pangulo.
"Ang galing, everything was planned. I don’t know if you noticed but the camera was already on the person even before that person’s name is mentioned," dagdag pa ni Rep. Villanueva. "It was a great PR speech. Like a campaign speech with lots of names mentioned," komento rin ni Parañaque Rep. Roilo Golez.
Ayon naman kay Recto, mas interesado ang sambayanang Pilipino na marinig mula sa bibig ni Mrs. Arroyo ang programa ng gobyerno sa kalusugan, agrikultura at edukasyon keysa ‘batiin’ sa national television ang mga kinatawan ng iba’t ibang distrito at local officials.
Iba pang reaksyon:
Mayor Lito Atienza: "We look forward to a bright future for our country and Manila will do its share to continue development in our capital city and improve the lives of Manileños under the Buhayin ang Maynila program which we have been implementing since 1998," ani Mayor Atienza na nagsabi pang "most inspiring" ang SONA.
Cong. Prospero Pichay: "President Arroyo’s SONA represented the true state of the nation. What she outlined in terms of the national situation and government projects for the people are what my constituents also experienced in Surigao del Sur."
Deputy Speaker for Mindanao Gerry Salapuddin: PGMA is just showing every Filipino that she understands the situation and knows the solution to it. She has just given the prescription to alleviate the Filipino nation from its own malady.
Anakpawis Secretary General Cherry Clemente: "Mrs. Arroyo of all people doesn’t have the right to speak about fighting corruption when she herself remain the major beneficiary of previous corruption cases such as P728 million fertilizer fund, Philhealth, PCSO and OWWA funds which she used to gain leverage and cheat the 2004 elections."
Nina Bernard Taguinod at Rey Marfil
http://www.abante-tonite.com/issue/july2506/main.htm
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Aniya, hindi masisisi ang mga mambabatas na nagboykot sa SONA. Saan kukunin ang pondo? Ito naman ang tanong ng mga opposition congressmen dahil sa anila’y napakataas na ambisyon ni Arroyo sa mga ipinangako nitong katakut-takot na proyekto.
pakistani designer stitched lawn suits uk
pakistani stitched lawn suits
Post a Comment